Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Groom, Nagalit Sa Wedding Singer Nang Tanggihan Ang Request Na Libreng 20 Kanta Sa Kanyang Kasal

Idinaan ng singer na si Patricia Ivy Peñano ang kaniyang inis sa isang lalaking nag-alok sa kaniyang kumanta sa kasal nito. Ito nga ay matapos daw umano siya nitong mapanood sa isang programa sa telebisyong tinatawag na “I Can See Your Voice”.

Mababasa sa socmed post ng mang-aawit na nais daw sana ng lalaki na 20 kanta ang kantahin niya sa araw ng kasal nito.

Nagulat si Patricia sapagkat hindi niya inaasahan ang ganoong karaming kanta. Ngunit kahit ganoon ay pinaunlakan niya pa rin ang gusto nito.

Hindi lamang niya inaasahan na humirit pa itong libre na lang daw sana ang gagawin niyang pagkanta sa kaganapang iyon.

Tumutol naman ang babae sapagkat hindi madali ang mga nais ipagawa ng lalaki at napakarami raw ng kaniyang hinihingi. Ngunit ang sabi naman ng lalaki ay kakanta lang naman daw siya at papakainin naman daw siya nito sa reception ng kasal.


Tila nainsulto naman si Patricia dahil aniya, hindi basta ‘lang’ ang pagkanta. Patuloy na nagpasensya ang huli. Subalit sabi pa nang lalaki na papasikatin na lamang daw siya nito sa pamamagitan ng mga koneksyon.

Ipo-post at ipapakalat din daw ang mga magiging video niya sa socmed upang sumikat at magkaroon siya ng maraming  followers dito. Isasangguni rin daw siya ng lalaki sa mga kakilala upang maging guest singer

Kung ano-ano pang mga pang-iinsulto ang natanggap niya mula rito. Sa bandang huli pa nga’y tinawag pa siyang ‘walang modo’. 

Saad naman ni Patricia sa kaniyang socmed post, matagal niya naraw iyong gustong i-post ngunit noong panahong iyon ay wala pa siyang lakas ng loob na gawin ito. 

“Sa totoo lang ang daming beses ko na na-encounter yung may magPPM sakin na hindi ko kilala peronirefer ng kakilala ko ganoyn! Tapos kukunin saganitoganyan perongayon lang ako nakaencounter ng ganitong tao. Knowing na hindi kami magkakilala.” 

Ayos lang din naman daw sanang humiling ngunit huwag naman daw sobra. 

“I sing to EXPRESS not to IMPRESS.NOTE THAT. (Motto yan ng mga singers haha),” pabula niya sa sinabinang lalaki na kumakanta lang naman daw sila upang sumikat. 

Ang pagkanta rin daw sa panahon ngayon ay pinagkakakitaanna. Sapagkat mayroong mga bagay na kailangang paglaanan ng pera. Matuto rin daw magpahalaga sa bagay napinagkaloob ng Diyos. Hindi raw biro ang maging isang singer. 

Umani naman ang post na ito ng iba’t-ibang mga reaksyon mula sa netizens. 



Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento