Kamakailan lamang ay nag-viral sa social media ang isang learning module, kung saan ay nilalaman nito ang pagiging isa umanong ‘obese’ ng aktres na si Angel Locsin.
Sa pangyayaring ito, ay talaga namang marami ang bumatikos sa guro na gumawa ng nasabing module, ito ay dahil sa walang respeto, at lantarang pambabastos umano ito sa Kapamilya actress, na si Angel Locsin.
“Angel Locsin is an obese person. She, together with Coco Martin eats fatty and sweet food in Mang Inasal fast food restaurant most of the time. In her house, she always watching television 9sic0 and does not have any physical activities”, heto nga ang nakasaad sa learning module, na nag-viral sa social media.
Dahil nga rito, ay humingi ng paumanhin ang Department of Education (DepEd) sa publiko.
Samantalang nilinawa naman ni Roger F. Capa, ang superintendent ng DepEd Division sa Occidental Mindoro, na ang nasabing module, ay hindi galing sa central office ng DepEd kundi ito ay isang “teacher-made assessment.”
Ayon nga sa naging pahayag ng Superintendent ng DepEd Occ. Mindoro, na si Roger Capa, ay pinaiimbestigahan na ng DepEd office ang pangyayaring ito, kung saan ay tinutukoy nila, ito nga ay hindi mula sa SLM na ginawa ng DepEd office, bagkus ay mula sa ginawang assessment ng guro, para sa Grade 10 MAPEH class, upang mas maunawaan umano sa mga mag-aaral ang pinag-aaralan ng mga ito.
Dagdag pa ng DepEd, ang assessment ng mga learning outcomes sa isang subject, ay responsibilidad ng guro na nakatalaga rito.
“Assessment of the learning outcomes in a particular subject is a primordial responsibility of a teacher. Development of tools for such assessments is an academic freedom every teacher enjoys. This is without prejudice to the fundamental principles of test construction which involves social context in which one of our teachers may not have met the standards.
“We would like to express our sincerest apology to the concerned individuals who may have been offended or harmed by this incident. The Department of Education does not tolerate nor condone any act of body shaming, and hominem or any similar act of bullying in the physical and virtual environments.
“This office had already communicated with me concerned teacher and gathered facts from him. Rest assured that this matter will be given serious attention. Meanwhile, we appeal to the public to spare him from any ad hominem attacks as this single mistake will not define him as a person”, saad pa nga sa naging official statement.
Agad namang nagbigay ng kanyang reaksyon tungkol dito ang aktres na si Angel Locsin, kung saan ay agad siyang nagpahayag ng kanyang damdamin tungkol sa naging pahayag ng Deped sa issue. Ini-repost ng aktres ang naging pahayag ni Capa, at kalakip nito ay ang kanyang naging saloobin tungkol sa naging “official statement” na ito.
“I don’t mind the insults. Cheap comments do not define who I am.
“I intended to ignore this issue, but when I read DepEd’s statement, aba teka lang”, ang naging simula nga ng pag-bwelta ng aktres sa DepEd.
“What bothers me most is apart from teaching incorrect grammar to the students, DepEd seems unaffected that the said teacher is teaching bad conduct and sowing discrimination among the children.
“Anong mangyayari sa future kung ang mga kabataan ay tinuturuan ng pambabastos at pangungutya sa kapwa?’ Ayong nga sa aktres, sa naging pahayag ng DepEd ay tila hindi ito “aware”, na ang kanilang mga guro, ay lumalabas na nagtuturo ng hindi magandang-asal sa kanilang mga mag-aaral, katulad na lamang ng diskriminasyon.
“This is more relevant issue DepEd, that you should be held accountable and must correct. Sa inyo nakasalalay ang pag-asa ng ating milyon milyong mga kabataan.
“The said teacher should apologize to his students and all the students that read the module.
“I am fortunate that I had a teaches who value, good manners and right conduct. Every child deserves to have teachers like them”, ang naging mahaba ang mensahe ni Angel Locsin.
Ano ang masasabi niyo, sa naging bweltang ito ng aktres sa ating mga opisyal ng Department of Education?
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento