Nito lamang ika-17 ng Nobyembre ay pormal ng ipinakilala si Sen. Manny Pacquiao bilang bagong brand endorser ng isang telecommunication company, kung saan ay dito rin ibinahagi ng senador, na ang kanyang magiging endorsement fee, ay kanyang ibabahagi sa lahat ng mga kababayan natin na nasalanta ng bagyong Rolly at Ulysses.
Sa naging “speech” ni Pambansang Kamao at Senador na si Manny Pacquiao ng araw na nakilala siya bilang bagong endorser ng isang telecommunication company, ay pinasasalamatan nito ang nasabing kompanya, sa naging pagpili sa kanya bilang endorser.
Maliban pa nga rito, ay ibinahagi ni Sen. Manny Pacquiao, na sa pagkakataong ito, ay muli niyang ibabalik sa kapwa, ang biyayang sa kanya ay ibinigay ng Diyos.
“I am given God-given opportunity to be of help to our kababayans in any way I can.”
Kasunod nga nito ay ang naging paglalahad ng hinahangaang boxing champion at senador, na ang endorsement fee niya sa pagiging endorser ng nasabing kompanya, ay ibabahagi niya sa mga kababayan natin na lubhang nasalanta ng bagyong Rolly at Ulysses.
“That is why my endorsement fee for this endorsement will go to relief efforts to help our kababayans who were affected by the devastation of Rolly at Ulysses.
“Ibibigay natin sa mga tao na ‘to ang ating income ditto. Ibabalik natin sa taumbayan para naman makatulong ito ng malaki sa ating mga kababayan na naghihirap at nagugutom ngayon at nawalan ng tirahan.
“Sama-sama tayong babangon, that is my commitment.” “Remember, the best is yet to come because God is good all the time.” Sa naging pahayag nang ito ng senador, ay muli niyang ipinag-alala sa mga kababayan natin, na sa kahit anong paraan,
ay handa siyang magbigay tulong sa mga kababayan nating nakakaranas ng hirap, gutom at kawalan ng tirahan ngayon, dahil sa naging pagsalanta sa kanilang lugar ng bagyong Rolly at Ulysses.
Ipinakilala rin ng Pambansang Kamao, na sa lahat ng pagsubok na kinakaharap nating lahat ngayon, tulad ng p@ndemya at naging pananalasa@ ng mga bagyo, ay sama-sama ang ating magiging pagbangon at pagtutulungan , upang harapin ang bagong umagang naghihintay.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento