Tinapos na nga ng singer na si Jake Zyrus ang kaniyang pananahimik at nagsalita na patungkol sa panawagan ng kaniyang ina na si Raquel Pempengco na sana ay magpakita man lang siya sa ospital kung saan naka-confine ang kaniyang lola na si Tess Relucio.
Aniya, "You know, honestly, I don't think I could comment on that anymore.
"Kasi, like yung mga ganyang bagay, for example, sa mga nangyari sa family...
"For example, like yung magkasakit ako or maospital ako or maospital ang mother ko or maospital ang lola ko, I think, ito na yung time na I just don't want to comment because, yes, sa amin na lang yun, sa amin na lang yun."
Sa isang ekslusibong panayam sa PEP.ph at News5 para sa launching ng kaniyang libro na "I Am Jake" na ginanap sa 49B-Heirloom Kitchen sa Scount, Gandia, Quezon City, isa sa mga diskusyon na napag-usapan ay ang panawagan ng pinansyal na tulong para kay Lola Tess na ngayon ay naka-confine sa Sta. Rosa Hospital and Medical Center.
Sagot naman ng singer tungkol dito,
"I'm her grandson. She has children, I think it's kinda unfair na ako lang yung laging pinuntirya.
"I mean, I cannot just keep quiet about it because all my life, I've been trying to clean my name in front of these people who always laugh at me, who always make fun of me, who always tell me that I am the devil in the family."
Dagdag pa niya,
"And the thing is, the sad thing is, tanggap ko na yun, na ako na yung demonyo sa kanila. But I'm not going to accept na they do all these things to make me feel na ako ang lahat ng gagawa because… [kapag] tutulong ako, tutulong ako. You know, ako yung taong maipagmamalaki kong hindi ako madamot.
"Kahit na anong sakit, kahit na anong pain ang ilagay mo sa akin… pamilya ka man o hindi, tutulungan at tutulungan kita. But for you to crush me to my inner core, I'm not going to stay silent."
Sinabi din ni Jake na kung sakali man na siya ay tutulong sa kaniyang lola ay hindi niya ito ipapaalam sa media o sa publiko.
"I wish the best of my family, yung health, everything, sincere iyan. Tutulong ako, tutulong ako, at hindi ko ipapaalam sa iba. I'm not going to post anything on social media that I helped, hindi nila malalaman na makakatulong ako kasi, either I help or not, ako yung masama.
"So, kung tutulong man ako, which talaga namang tumutulong ako, hindi nila malalaman, hindi ninyo malalaman [media], nothing. It’s just to myself."
Samantala, hindi naman nagbigay ng kahit anong komento si Jake sa panawagan ng kaniyang ina na dumalaw o bisitahin man lamang niya ang kaniyang lola Tess lalo na at ang singer pa naman daw ang itinuturing ng huli bilang pinakapaboritong apo.
"Like, again, I cannot comment on that kasi... I don't know."
Nilinaw din niya na hindi sila nakakapag-usap ng kaniyang kapatid na si Carl Pempengco.
"I think I made to this world to be alone and to have my own family."
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento