Tila may nadadagdag na naman nga sa ‘credentials’ ng Eat Bulaga Tv host at aktor na si Paolo Ballesteros. Ito ay matapos niyang ipakita ang kanyang husay sa pagdidisenyo ng kasuotan, ng bida ng isang kandidata ng Bb. Pilipinas 2020 ang kanyang disenyo ng national costume.
Sa ginanap nga na Bb. Pilipinas 2020 pageant, ay ibinida ng kalahok na aspiring beauty queen na kinilalang si Honey Grace Cartasano na representante ng probinsya ng Rizal, ang napakagandang national costume na kanyang isinuot, kung saan ang nagdisenyo nito, ay ang Eat Bulaga host na si Paolo Ballesteros.
Makikita nga sa Facebook page ng nasabing pageant noong ika-13 ng Nobyembre 2020, na isa ang national costume na isinuot ni Honey Grace, at disenyo ng Tv host na si Paolo Ballesteros, sa mga na-feature.
Dahil sa angking ganda ng Maria-Clara inspired costume na suot ni Honey Grace, ay talaga namang isa ito mga naging agaw-pansin sa mga mata ng netizens, kung saan ang “press time” nito ay umabot na sa halos 11,000 na reactions, at mahigit 700 na mga shares online.
Samantala, ibinahagi naman ng Tv host na si Paolo Ballesteros, kung ano ang kanyang naging inspirasyon para sa kanyang pinakamagandang likhang disenyo ng national costume.
“An interpretation of the traditional Maria Clara costumes inspired by the giants of Angono Higantes Festival. “This joyous event is celebrated every 4th week of November, where papier mâché of higantes are paraded on the streets of this historic town.
“The materials used is traditional piňa highlighting its’ remarkable characteristics, the fibrosity. “As she turns around, Maria Clara is transformed into a bright, colorful and towering Higantes we see during the annual parade.
“A unique piece, emblematic of Rizal’s rich culture.”, ang naging saad nga ni Paolo sa kanyang post, king saan ay kalakip ang larawan ng national costume na kanyang disenyo.
Makikita naman sa Instagram post ni Honey Grace Cartasano, noong ika-14 ng Nobyembre, araw ng Sabado, ang kanyang pasasalamat sa Tv host na si Paolo Ballesteros, sa naging mahusay na pagdisenyo sa kanyang “unique national costume.”
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento