Si Pambansang Kamao at Senador na si Manny Pacquiao ang ngayon ay bagong Ambassador na ng popular na larong “Mobile Legends: Bang Bang”
Ang mobile multiplayer online battle arena na Mobile Legends ay isa sa mga “computer online games” na talaga namang kinaaliwan ngayon ng marami, lalo na nga mga kabataan.
Ang larong ito ay ginawa ng Moonton, at unang inilabas noong taong 2016, at agad nga itong tinatangkilik ng maraming mga online gamers kaya’t ito ay umani ng popularidad sa maraming mga bansa sa South East Asia.
Matatandaan rin na ang popular na larong ito online ay isa sa mga nagkaroon ng medalya sa ginanap na sports competition sa Southeast Asian Games noong taong 2019.
Samantala, sa pagiging isang Ambassador na ngayon ni Sen. Manny Pacquiao, ng Mobile Legends, ay nagkaroon na rin ito karakter sa nasabing popular na laro. At ang abong karakter nga na ito na aabangan sa Mobile Legends ay ang hero character na si “Paquito”, na ang pangalan at karakter ay kinuha sa ating Pambansang Kamao.
Ibinahagi naman ni Arnold Vegafria ang business manager ni Manny Pacquiao, na ang matatanggap na endorsement fee ni Manny sa ginawa niyang makipag-deal sa “Mobile Legends”, ay mapupunta sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses sa ating bansa, kung saan ito ay magiging karagdagang pondo sa pagbili ng mga relief goods para sa mga ito.
“Yung mga endorsements niya, ibibigay niya for the relief operations niya at ibibigay niya sa tao. Umiikot kasi talaga siya e” ang naging saad ni Vegafria.
Ayon pa kay Vegafria, dalawang buwan ang itatagal bago ma-secure ang deal nila sa “Mobile Legends.” Nagustuhan umano ito ng Pambansang Kamao, dahil sa nakita nito, na maging ang kanyang mga anak, ay nalilibang sa paglalaro nito sa kanilang tahanan.
“Naglalaro sila during their bonding moments at home.” Saad pa ni Vegafria, mas mag-eenjoy ano ngayon ang mga Pinoy na manlalaro ng ML, dahil sa mayroon na itong Filipino hero character.“Ang maganda may Filipino hero character na rin sa game”, ang naging dagdag pa ni Vegafria.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento