Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Video Ng Pagpapakawala Ng Tubig Ng Magat Dam Na Sanhi Ng Matinding Pagbaha Sa Cagayan, Lumutang Online


Kamakailan lamang ay naging viral sa social media ang video kung saan makikita na nagpapakawala ng tubig mula sa Magat Dam sa Isabela Province.

Sa nasabing video, makikita na ang water pressure sa nasabing dam ay talagang napakalakas at talagang napakadaming tubig ang kailangan ng ipakawala.

Ayon sa netizen na si Goyo Larrazabal, sinabi niya na base sa kaniyang research na ang Magat Dam umano na matatagpuan sa Isabela Province ay pagmamay-ari at pinamamahalaan ng pamahalaan sa pamamagitan ng National Irrigation Administration (NIA).


Sinabi naman ng netizen na kung nasa kritikal na lebel na ang dam, ang tubig mula dito ay kailangan ng pakawalan o kung hindi ito gagawin kaagad, magiging sanhi ito ng pagkasira ng dam na mas delikado para sa lugar at lalo na sa mga residente.

Hindi maitatanggi na hindi inaasahan ng karamihan sa atin ang lakas ng pananalasa ng bagyong Ulysses sa malaking bahagi ng Luzon. Kahit pa man ang Metro Manila at ilan pang lugar sa Luzon ay napaghandaan na ang maaaring idulot ng bagyong Ulysses sa kanilang lugar, ang pananalasa naman nito ay nagdulot ng takot at kahindik-hindik na karanasan para sa lahat.

Ang Mayor ng Marikina ay isa lamang sa mga opisyal na pinuri ng mga netizens dahil sa pagiging hands-on nito sa pagtulong sa mga rescue operations sa kaniyang nasasakupan at paniniguro sa kaligtasan ng mga ito.

Ang pinsala na dulot ng bagyong Ulysses ay makikita sa iba't ibang mga video na kumakalat online. Ang social media din ang isa sa mga platform na nagamit bilang rescue hotline. Isang residente mula sa QC ang nanghingi ng tulong sa mga rescue teams matapos mai-stranded dahil sa bagyo.

Maraming mga residente ng Marikina at Cagayan ang gumamit ng kani-kanilang social media accounts para manawagan ng tulong. Si Vice President Leni Robredo ay tumulong din para sa pagre-rescue ng mga residente sa Cagayan na nai-stranded sa bubong ng kanilang bahay dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig baha.


Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento