Isa sa mga entries sa Metro Manila Film Festival 2020 ay ang Pakboys: Takusa, kung saan ay tampok ang Super Sireyna 2013 winner na si Francine Garcia. Si Francine, ay isang beauty queen-actress na kilala sa totoong buhay bilang isang transwoman.
Ang Pakboys ay pinagbibidahan ng mga aktor na sina Janno Gibbs, Andrew E, Dennis Padilla at Jerald Napoles at ito ay iprinodyus ng Viva Films.
Samantala, isang seksena sa trailer ng pelikula ang kinondena ng ilang miyembro ng LGBTQ (lesbian, gay, bisexual transgender). At ito nga ay ang eksena sa nasabing pelikula kung saan magugulat si Dennis nang makita niyang umiihi nang makatayo ang inakalang sexy at magandang dilag na ginaampanan ni Francine.
Dahil dito ay inalam ng Cabinet Files ang opinion ni Francine patungkol sa mga bayolenteng reaksiyon ng ilang LGBTQ members sa isang eksena niya sa nasabing pelikula.
Sa naging pahayag ni Francine, ay inamin niya na noong una ay nagdalawang isip siya na gawin ang kontrobersiyal na eksena, pero dahil sa pagpapaliwanag ng mabuti ng direktor ay napapayag rin siya nito.
“At first, I hesitated to do the scene because I thought it was shallow and I always to uplift the trans community through the characters I portray. But Direk Al talked to me and explained what he wanted to show sa scene, so I understood and got the point of the scene.”
Ngunit, ayon naman kay Francine ay nauunawaan niya ang mga pinanggagalingan ng kanyang kapwa LGBTQ, lalo ng mga kapwa trans women niya.
“I understand where they are coming from. But more than anything, that short clip actually is conversation starter on certain topics. “ Nang tanungin naman ng Cabinet File kung dapat bang may sariling restroom ang LGBTQ? O dapat bang ikahiya ang pagiging LGBTQ, ay ito ang naging pahayag ni Francine.
Swabeng apela naman ni Francine, ay sana intindihin ang pinanggagalingan niya sa nasabing isyu. “It may be comedic, but are underlying discussion points there.
“Criticism is everywhere. Yes, I agree na mas may impact lang kapag galing sa kapwa mo, but you need to have discernment.
“Kailangan alam mo which criticism is destructive and which is constructive and take it from there.” Ibinahagi rin ni Francine sa naging panayam sa kanya ng Cabinet File, na sa ngayon ay wala siyang love life. Isa si Francine Garcia, sa mga trans gender women na hinahangaan dahil sa kanyang angking ganda.
Source: Famous Trends
0 comments:
Post a Comment