Ang magkaroon ng isang maayos at komportableng silid na mayroong magagandang “room decor”, ay pinapangarap nga naman ng marami sa atin. Tunay nga naman na kakaiba sa pakiramdam, kung ang ating silid, ay mayroong magandang mga dekorasyon, na nagbibigay aliwalas sa ating paningin.
Si Gabbi Garcia, ay isa sa mga tulad natin, na ang silid ay talaga namang nais na “good vibes” lagi ang magiging dulot sa kanyang pakiramdam. Kaya naman ang loob ng kanyang silid, ay pinuno niya ng magagandang knick-knacks mula sa iba’t ibang lugar, na nagbigay kulay pa lalo sa kanyang silid.
At dahil nais rin ng Kapuso actress, na magkaroon tayo ng ideya, kung paano ma-achieve ang maganda, komportable, at maaliwalas na silid na puno ng mga magagandang dekorasyon ang ating silid,
ay ibinahagi ni Gabbi Garcia sa kanyang latest video, kung saan siya bumibili ng mga abot-kayang “room décor”, at kung ano ang sikreto sa pag-papaganda ng isang tahanan o silid.
Narito nga ang ilan sa mga lugar o online store, na binanggit ni Gabbi Garcia, kung saan siya bumibili ng kanyang mga ‘home décor’.
Dapitan Arcade
Makikita sa IG post ni Gabbi, ang kanyang naging pasilip sa kanyang silid-tulugan, at dito rin ay binaggit ng Kapuso actress, kung saan niya nakuha ang ilan sa mga dekorasyon na makikita sa kanyang silid.
At ito nga ay ang Dapitan Arcade sa Quezon City, kung saan ang lugar na ito, ay puno ng mga tiangge, na nagbebenta ng mga mura at abot kayang halaga ng mga home décor.
Uniwide
Mapapansin nga sa loob ng silid ni Gabbi Garcia, ang pagkahilig niya sa mga babasaging bagay, dahil ilan sa mga kagamitan at dekorasyon sa loob ng kanyang silid ay mga babasagin o “fragile.’
Saad nga ni Gabbi, kung abot kayang mga babasaging bagay ang hanap mo, ay sa Uniwide ang isa sa mga pinaka-best na puntahang lugar, dahil sa talagang bagsakan ang presyo sa nasabing lugar.
Video Credit: Gabbi Garcia/YouTube
Shopee + Lazada
Ibinahagi rin ng ani Gabbi sa kanyang vlog, na ilan sa mga makikitang dekorasyon o kagamitan sa loob ng kanyang silid, ay sa online shop na Shopee o Lazada niya nabili. Kung saan, dito niya nabili ang kanyang mga figurines, magazine holder at gold hanger, na halos lahat ay mababa sa P500 ang presyo.
Ang mga produkto ngang ibenebenta sa mga online shop na ito, ay halos kasing tulad lang din ng sa mall, ngunit mas mababa ang presyo nito.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento