Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Silipin Ang Napaka Sweet At Napakasayang Holiday Vacation Sa Boracay Nina Kim Chiu At Xian Lim

Marami sa atin ang talagang hinihintay ang pagsapit ng “holiday vacation”, lalo na kapag buwan ng Disyembre. Ito ay dahil sa mga ganitong panahon ay nagkakaroon tayo ng mahaba-habang pahinga o bakasyon sa ating mga trabaho, kung saan ay nakakapagrelaks relaks muna tayo, mula sa mga bagay na ating kina-aabalahan.




Samantala, ilan nga sa mga celebrity, ang talagang sinulit ang bakasyon ngayong kapaskuhan, at talagang nagpakaligaya at inenjoy ito. Isa na nga sa mga ito, ang Kapamilya celebrity couple na sina Kim Chiu at Xian Lim.

Photo Credit: chinitaprincess/Instagram

Ang celebrity couple, ay magkasamang nagbakasyon sa napakagandang Isla ng Boracay, kung saan makikita sa mga larawan nila na kuha sa bakasyon nilang ito, na tila sinulit nila ang ilang araw nilang pamamalagi sa nasabing Isla, lalo na at ito ang day off nila mula sa kanilang super busy na mga schedule.

Photo Credit: chinitaprincess/Instagram

Makikita rin sa ilang mga larawan na ibinahagi ang magkasintahan, na kasama rin nila ang pamilya ni Kim, sa naging masayang bakasyon nilang ito.

Photo Credit: chinitaprincess/Instagram

Sa Instagram nga ni Kim Chiu, ay ibinahagi nito ang mga larawan nila, na kuha sa naging holiday vacation nila sa Isla ng Boracay, kung saan ay makikita na talagang sinulit nila ang bakasyon. May mga larawan sila na kuha habang ine-enjoy ang beach, ay mayroon din na kuha, mula sa iba’t ibang tourist spot sa nasabing Isla.

Photo Credit: chinitaprincess/Instagram

“First time to ride a plane since lock down, after 11 months”, ang naging panimulang caption ni Kim sa caption na kanyang inilagay sa larawan na ibinahagi niya, kung saan kasama niya si Xian at kanyang pamilya.

Photo Credit: chinitaprincess/Instagram

Ayon nga sa dalagang aktres, ang bakasyon niyang ito sa Boracay kasama si Xian at pamilya niya, ang kauna-unahang pagkakataon na siya’y muling lumabas ng Maynila, matapos ang halos 10-buwan lockdown sa bansa, dulot nga ng p@ndemy@.

Photo Credit: chinitaprincess/Instagram

“I felt a little different, good thing @airasia made sure everything is clean and safe”, dagdag pa ni Kim, na ibinahagi ang ginawang pag-iingat rin ng airline, upang masiguro ang kaligtasan nila.

Photo Credit: chinitaprincess/Instagram

“Five more days. We will welcome another year! Hoping and praying that it will be a lot better for all of us”, ang saad pa ng Kapamilya actress.




Sa IG account naman ni Xian Lim, ay makikita rin ang naging pagbabahagi nito ng larawan nil ani Kim, kabilang na dito ang larawan nila na kuha sa harap ng eroplano na kanilang sinakyan patungo sa Boracay.

Sina Kim Chiu at Xian Lim, ay matagal -tagal na ring magkasintahan. At ayon nga kay Kim, ng magkaroon ng lockdown, ay mas lalo pang tumatag ang relasyon nila ni Xian.
Sa naging panayam noon kay Kim, ay sinabi nito na pareho silang umaasa ni Xian, na mauwi rin sa pang-forever ang pagmamahalan at relasyon na mayroon silang dalawa ngayon.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento