Karamihan sa mga artista sa industriya ng showbiz ay mapapansin na ang kanilang mga sasakyan na ginagamit sa kanilang trabaho, ay talagang ipinapa-customized nila.
Ito ay upang kahit mapuyat o mapagod man sila sa trabaho o shooting na kanilang pupuntahan, ay siguradong kumportable naman sila pagpasok nila ng kanilang sasakyan.
Isa nga sa mga hindi nagpahuli na aktres na naisipang ang bumilli ng malaking van at ipa-customized ito ayon sa kanyang gustong disenyo, ay si Maja Salvador.
Upang magamit sa kanyang trabaho bumili si Maja Salvador ng isang malaking van, at ng ito nga ay dumating ay ipina-customized ito ng aktres, upang mas magmukhang malawak at mas maging kumportable siya tuwing siya ay tutungo sa trabaho, tulad ng shooting.
Nang matapos nga ang pagpapa-customized ni Maja ng kanyang van, ay talaga namang excited na ito na maipakita sa publiko ang kinalabasan ng kanyang customized van, kaya naman masaya niya itong ipinakita sa pamamagitan ng van tour.
Makikita nga na pagbukas pa lamang ng pintuan , ay agad na bubungad ang ipinalagay ni Maja Salvador ng captain seats, ito ay hindi lamang basta upuan dahil sa ito ay isang power adjustable na mayroong heater at massager.
Nakamamangha naman ang ceiling ng customized van na ito ng aktres, dahil sa ang ilaw nito ay tila isang maliwanag na mga bituin na nagsisilbing starlights, na maaring palit-palitan ng kulay.
Mayroon ring mga drawers at cabinets na ipinalagay si Maja sa kanyang “customized van”, dahil bilang isang artista ay importante sa kanya, na siya ay mayroong lagayan ng kanyang mga personal na gamit sa loob ng kanyang sasakyan.
At upang may mapaglibangan, ay nagpalagay rin ng 32” na flat TV ang aktres, at bukod pa nga dito ay mayroon pang mga cup holders, privacy glass, window blinds pull-out table at USB ports.
Video Credit: Maja Salvador/YouTube
Sa bago at napakagandang customized van nga na ito ni Maja, ay talaga namang mas lalo pang gaganahan ang aktres na magtungo sa kanyang trabaho, dahil alam niya na kahit makaramdam man siya ng pagod, ay alam niya na mayroon siyang maayos at kumportableng pahingaan sa loob ng kanyang van.
Source: Famous Trends
0 comments:
Post a Comment