Masayang ibinahagi ng butihing Mayor ng Pasig na si Vico Sotto na ngayong buwan ng Disyembre, ay nabisita niya ang kanyang ama at ang pamilya nito.
Makalipas ang 9-buwan, ay ngayong buwan ng Disyembre, lamang muling nagkita at nagkasama ang mag-amang Mayor Vico Sotto, at ama nitong si Vic Sotto.
Makikita sa Instagram story ng butihing Mayor ng Pasig, ang naging pagbabagi nito ng larawan niya kasama ang kanyang amang si Vic, at maging ang anak nito sa asawa nitong si Pauleen Luna, ang tatlong taong gulang pa lamang na si Tali.
Kalakip ng larawan na ito ni Mayor Vico Sotto, ay ang kanyang caption na;
“First time to see Papa, Pauleen and Tali after 9 MONTHS!”
For those of you who are able to spend time with your loved ones this Christmas – make the most of it!”, ang naging saad pa nga ng 31-taong gulang na Alkalde ng Pasig.
Ibinahagi rin ni Mayor Vico, na sa kabila ng hindi lahat ng tao ngayong Pasko, ay nakauwi sa kani-kanilang pamilya, dahil sa pagkakaroon ng trabaho, quarantine o iba pa mang circumstances,
ay marami namang maaring maging paraan upang madama pa rin na kasama natin ang ating pamilya o mahal sa buhay, at ito ay sa pamamagitan ng virtual conference sa mga nauusong video apps ngayon, gaya na lamang ng “Zoom”.
“For those who are unable to do so because of work, quarantine, or other circumstances, let’s still find a way to celebrate, the spirit of Christmas with one another…. Kahit virtually lang muna.
“Nawa’y sa gitna ng maraming pagsubok ay maipadama pa rin natin, sa isa’t isa ang tunay na diwa ng Pasko”, dagdag na saad pa ni Mayro Vico.
“MERRY CHRISTMAS!”
Tunay nga naman na ngayon dahil sa pagkakaroon ng p@ndemya sa bawat sulok ng mundo, ay ibang-iba ang naging pag-diriwang natin ng araw ng Pasko. Kung noon ay salo-salo ang buong angkan ng isang pamilya, para magdiwang ng Pasko, ngayon karamihan ay ginawa munang “virtually”, ang kanilang pagkikita at pag-uusap.
Ngunit ang tangi nga namang mahalaga, sa kabila ng mga pagsubok na ating nararanasan, ay maipadama pa rin natin sa lahat, higit sa ating pamilya, ang tunay na diwa ng Pasko, at ito ay ang “pagmamahalan.”
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento