Noon nga lamang taong 2020, ay sumailalim sa basic military training ng Armed Forces of the Philippines ang aktres na si Arci Muňoz, na kung saan ngayon ay isa na siya sa mga sergeant ng PFAR (Philippine Air Force Reserve).
Samantala, nito nga lamang nakaraan, ay ibinahagi ng aktres, ang isa sa kanyang mga dahilan kung bakit siya sumailalim sa nasabing training ng AFP.
Ayon nga sa aktres, kaya siya nagtraining bilang isang reservist, at kalaunan ay naging sergeant ng PFAR, ay dahil sa gusto niyang simulan dito ang pagtupad ng matagal na niyang pangarap, at ito nga ay ang maging isang piloto.
Ngayong taon nga ay tila tuloy na tuloy na ang pagtupad ni Arci Muňoz sa kanyang pangarap na maging isang piloto, ito ay dahil sa plano na nitong mag-enroll sa isa flying school ngayong taon.
Sa naging panayam nga sa dalagang aktres sa online talk show na “We Rise Together”, ay inihayag niya na noon pa man ay talagang pangarap na niya ang maging isang piloto.
“Yun talaga ang gusto ko ever since. Balak ko rin maging piloto. Actually mag-i-start na ako ng flying school ko sa February or March”, ani Arci.
Dagdag pa nga ng aktres, kinakailangan lamang niya makatyempo ng medyo mahaba-habang schedule na siya ay mababakante, dahil sa matagal-tagal nga ang magiging pag-aaral niya sa fyling school.
Ibinahagi rin ni Arci, na kaya niya rin ginawa ang pagpasok sa military ay dahil sa tingin niya ay isa ito sa kanyang mga resposibilidad nilang isang mamamayan ng ating bansa.
Nais rin umano ng aktres na maging inspirasyon sa mga kabataan, lalo na sa mga kababaihan na tulad niya, na hindi lang mga kalalakihan ang maaring magbigay lingkod sa ating bayan.
Inihayag rin ni Arci, na sa kabila ng kanyang pinagdaanang training, na kahit lumuluha na siya sa sobrang hirap, ay nagawa niya pa rin itong makayanan at hindi niya ito sinukuan.
Sey pa ng aktres, sa mga oras na tinatanong niya ang kanyang sarili, kung bakit naisipan niya ang pagpasok sa military, ay ito umano ang kanyang sagot;
“May time na tinatanong ko sarili ko ano ba itong napasok ko, but at the end of the day, it’s the fulfillment na I endure d that feat at during the time of pandemic pa na nakapag-training kami sa bundok pero we didi follow safety procedures.”
“Pero ibang feeling, there’a a renewed feeling of self-respect na I gained after graduating” naging paglalahad ng ani Arci. Sa ipinakita ngang dedikasyon at tapang ni Arci sa pagiging isang reservist at umani ng papuri at pagsaludo ang aktres, hindi lang mula sa mga kapwa niya kababaihan, kundi maging sa mga kalalakihan.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento