Hindi nga lamang ang krisis ang kinakaharap na problema ng buong mundo ngayon, dahil maliban dito, ay may mga bagay pang dapat isipin at bigyang pansin, kabilang na dito ang palala ng palala na Global Warming.
Mapapansin nga natin na unti-unti ng nagbabago ang klima sa buong mundo, at ito nga ay dahil na rin sa kapabayaan na ginagawa nating mga tao, kung saan ay may ilan sa atin na walang habas ang ginagawang pagpuputol ng mga puno sa kagubatan dahilan upang makalbo ang gubat.
Maigitingan naman ang nagiging pagkilos ng gobyerno at ilang mga kilalang organisasyo upang mabigyang solusyon ang paglalap pa lalo ng Global warming. Maliban pa dito, ay mayroon ding mga pribadong tao, na gumagawa ng kani-kanilang sariling paraan upang makatulong na labanan ang Global warming at maibalik ang ganda ng kalikasan.
Isa na nga sa mga ito ay ang iniidolo ng marami sa atin, at ito nga ay ang aktres na si Angel Locsin, na kilala nga ng maraming mga Pilipino bilang isang reall life superhero, dahil sa kanyang walang sawang ginagawang pagtulong sa ating mga kababayan, lalo na sa panahon ng sakuna.
Batid natin na isa sa mga paraan upang mabawasan ang paglala ng Global warming, ay ang pagpapadami ng mga puno’t halaman sa ating kapaligiran, at ito nga ang isa sa ginagawa ng aktres na si Angel Locsin sa kanyang pagmamay-aring farm.
Sa latest vlog ng aktres, ay kanyang ipinakita ang kanyang farm na matatagpuan sa Bulacan, kung saan ito ay puno ng mga tanim na mga puno at luntiang halaman. Kasama nga nga aktres sa vlog niyang ito ang kanyang fiancé na si Neil Arce.
Maliban sa naging pagpapasilip ni Angel ng kanyang farm sa Bulacan, ay hinikayat rin ng aktres ang kanyang mga kababayan na magtanim ng mga punong-kahoy, lalong-lalo na nga sa mga lugar na may pagbabadya na makaranas ng deforestation.
Ayon pa nga sa aktres, siya ayg mayroong itinatag na proyekto, at ito ay tinawag niyang “Green Passion”, na ang layunin ay ang matulungan ang ‘reforestation efforts’.
Dagdag pa ni Angel, kung walang mga halaman, ay mawawalan ng buhay ang mundo. Hindi na tayo makakaranas ng pag-ulan, at magiging sanhi rin ang kawalan ng puno sa pagkakaroon ng soil erosion. Maliban pa rito, ay magiging delikado rin sa hangin na ating kinakailangan, kapag lumala pa ang Global warming sa mundo.
Video Credit: Angel Locsin/YouTube
Ibinahagi pa ni Angel, na ang pagtatanim ng mga punong kahoy ay mga halaman, ang pinakamadaling paraan upang ang ating kalikasan ay matulungan natin sa tuluyang nagbabadya na pagkawasak nito.
Ang lupa ngang ito na na nabili ni Angel na kanyang ginawang farm na matatagpuan sa San Jose De Monte, Bulacan, ay isa sa kanyang mga tribute para sa mga magsasaka. Isa rin umano sa mga dahilan ng aktres sa pagbili ng lupaing ito, ay dahil sa noon pa man ay talagang pangarap na niya ang magkaroon ng isang farm, na kanya ngang pagtataniman ng mga halaman.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento