Hindi na nga bago sa atin na marami ng mga personalidad ngayon ang pinapasok ang mundo ng vlogging. Mapa-ordinaryong tao o celebrity man, ay sumusubok ng kanilang magandang kapalaran sa pagba-vlog, dahil sa talaga namang mabilis ang kitaan dito, basta’t dumami lang ang mga subscriber’s mo at mga taong sumusuporta sa YouTube channel mo.
Isa na nga sa mga kilalang personalidad sa showbiz, na pumasok at naging matagumpay sa vlogging, ay ang dating Goin Bulilit star na si Kristel Fulgar. Kung saan ng dahil sa kanyang pagba-vlog ay dalawa sa mga bonggang pangarap niya sa kanyang buhay ang kanya ng natupad.
Noon ngang nagdaang ika-29 ng Disyembre 2020, kasabay ng kanyang ika-26th birthday ay ibinahagi ni Kristel sa kanyang vlog, ang mga bagong na-achieve niya sa kanyang buhay.
“Papasilip ko po sa inyo, ‘yung lupang patatayuan ko ng bahay next year”, saad ni Kristel.
Ipinakita nga ng dating Goin Bulilit star ang lupain na kanyang naipundar sa pamamagitan ng kanyang pagba-vlog.
Samantala, bago pa nga ito ay nauna ng ibinalita ni Kristel sa madlang pipol, ang naging pagbili niya rin ng kanyang bagong sasakyan, na nagkakahalaga umano ng higit isang milyong piso.
“Kailangan kasi ng sasakyan, coding ulit, di ba? Balita naming magkakaroon na ulit ng coding”, ang sey ng ani Kristel.
Ayon nga sa dalaga, bumili siya ulit ng sasakyan, dahil sa ang kanyang dating sasakyan na kanyang ginagamit pang-coding, ay ginagamit na ngayon ng kanyang ate.
Hindi rin naman umano problema na magkaroon sila ng dalawang sasakyan, dahil sa dalawang garahe naman umano ang ipapagawa ng dalaga sa kanyang bahay.
Ibinahagi rin ni Kristel, kung ano talaga ang pinaka-main purpose ng kanyang vlog na ito, at ito nga ay maliban sa pagpapakita niya sa madlang pipol ng unti-unting katuparan ng kanyang mga pangarap sa buhay,
ay ang pasasalamat niya sa mga ito, dahil ang bawat subscriber niya sa kanyang YouTube channel at bawat taong nanonood ng kanyang video, ay malaki ang parte sa tagumpay na natatamasa ng karera niya ngayon bilang isang vlogger.
“Bawat subscriber ko at bawat nanonood ng mga videos ko ay part ng success ng career ko. Maraming, maraming salamat sa inyo. Isa kayo sa mga nagpapatatag sa akin.
“’Isa kayo sa mga nagpaniwala na kaya ko malagpasan itong pandemic at maka-survive sa year 2020. Ang masasabi ko na naging kasangga during pandem!c at year 2020 ay si God dahil hindi niya ako pinabayaan“Ramdam na ramdam ko ang guidance Niya and Siya yung alam kong laging nandiyan para sa akin.”
Lahat nga ng biyaya na natatamasa ngayon ni Kristel sa kanyang buhay, ay ipinagpapasalamat niya sa Panginoon, dahil alam niya ito ang dahilan ng lahat ng kanyang tagumpay.
Nangako naman ang dalaga, na ipagpapatuloy niya ang pagawa niya ng mga quality content, para patuloy pa rin niyang mabigyan ng aliw at kasiyahan ang lahat ng mga sumusuporta at nanonood sa kanyang vlog.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento