Matagumpay na nailigtas ng isang doktor ang isang sanggol na kapapanganak lamang na inakalang wala nang buhay sapagkat hindi na umano ito humihinga at nangingitim na, nito lamang ika-27 ng Disyembre sa Las Castallena, Negros Occidental.
Matapos isilang ng isang 18-taong-gulang na babae ang sanggol, noong araw ding iyon, idedeklarana sanang walang buhay ang babaeng sanggol kundi lamang lumabas ang doktor na si Dr. Enrico Elumba mula sa opisina nito at iniutos sa kaniyang mga kawani na gawinang CPR o Cardiopulmonary Resuscitation.
Umabot din nang humigit-kumulang 30 minuto ang ginawang mouth-to-mouth resuscitation sa bata, nang himalang nasagip ito.
Ayon kay Dr. Elumba, nahirapan umano ang 18-anyos na ina sa panganganak, na isa sa mga posibleng dahilan kung bakit ang sanggol ay hindi na humihinga pagkalabas nito.
“Kasi 18 years old palang ‘yung nanay, parang pinipigilan niyang lumabas yung bata kaya hindi na nakahinga, Makikita na sana ang baby dahil lumalabas na ang ulo niya.”pagbabahagi ni Dr. Elumba sa balita ng 24 Oras ng GMA.
Sa tuwa at pasasalamat sa ginawang pagligtas ng doktor sa sangol, pinangalanan ito na Enrica Paula na hango sa pangalan ng doktor at ng isa pang tumulong na medical staff na si Paul Abrahan Cortez.
Samantala, inulan naman ng papuri ang doktor mula sa mga netizens dahil sa kaniyang ginawa. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Best ever doctor! Matiyaga, masipag at magaling na doctor ito! Very well done, doc! He is so much hardworking doctor. More blessings to come to you!"
"Thank you Doc for not giving up. You’re an angel. The baby is now alive because of your perseverance and help. Keep it up and may God bless you always. doc."
Dati na ring nanilbihan si Dr. Elumba na mayor sa munisipalidad ng La Castellana, ng tatlong termino.
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento