Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Isang Basketball Player Na Kasama Sa Party Nina Christine Dacera, Lumantad At Nagbigay Ng Kanyang Panig

Lumantad na ang basketball player na si Justin Rieta, na isa sa mga persons of interest sa Christine Dacera Case, noong ika-13 ng Enero, taong kasulukuyan.

Ito nga ay matapos nitong magtung sa opisina ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Maynila kaukulan sa kam4tayan ng 23-anyos na babaeng flight attendant na si Christine Dacera. Kasamang nitong pumunta ang legal counsel nito.

Kabilang umano si Rieta sa mga bisita sa Room 2207, kalapit ng kuwarto nila Dacera, Room 2209.



Sa panayam dito ng GMA News, sinabi ng lalaki na wala raw umano siyang napansing kakaiba ng araw na binawian ng buhay si Dacera.

Handa rin daw itong magbigay ng kooperasyon sa imbestigasyon ng kaso. 

 “Hindi ko po kilala yung kabilang room [Room 2209]. Wala po akong kilala sa kanila,” ani Rieta.

Sa pagbunyag at pagsasalita ni Rieta ukol sa naturang pangyayari, nadagdagan ang pagdududa sa kredibilidad nina Rommel Galido at Valentine Rosales, matapos nang mga itong ihayag sa media ang kanilang kuwento, noong ika-7 ng Enero. 

“Nung nagising ako to check my schedule, mga bandang 2:30 a.m.,si Tin lumapit sa akin,then she grabbed my hand,and sabi niya sa akin, ‘Sis punta tayo sa kabila. Check natin kung merong straight guy doon.’

“Ako naman, sinamahan ko siya ‘tapos siguro mga five minutes, six minutes, bumalik din kami kaagad sa room,” salaysay ni Galido.

Pinanindigan ni Galido na bakla ang lahat ng mga taong naka-check-in sa Room 2207.

Pinatibayan naman ni Rosales ang pahayag ni Galido. 

"Napansin nga namin yung mga tao sa 2207, wala naman guwapo 'tapos mga matata… parang may age na. Bakla pero may mga edad na. Sabi ko, 'Doon na lang tayo sa kabila, wala naman pogi dito.”sabi nito

"So, pumunta na kami pabalik sa room namin to welcome the new year," lahad ni Rosales tungkol sa paglipat nila ni Dacera sa kanilang kuwarto mula sa Room 2207.

Isang miyembro ng media ang nagtanong kay Rosales kung may nakilala ba silang basketball player.

"Meron bang nagpakilala o may nakilala ba kayong basketball player sa 2207? Meron bang parang basketball player doon o nabalitaan niyo na basketball player pala yung isa sa kainuman doon?" tanong nang isang reporter. 

Sagot ni Rosales, "Wala po kasi akong kilala at alam ko matatandang bakla sila, wala akong… sorry, sorry sa term pero, yeah, there’s… we did not see any straight guys there."

Ang paglabas ni Rieta at ang pag-amin nitong siya ang basketball player sa Room 2207 ang pruweba na mali ang salaysay ni Rosales. Kung kaya naman posibleng naapektuhan na ng alak si Rosales nang mga oras na iyon.

Patuloy pa rin naman ang pag-i-imbestiga ng mga pulis. 



Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento