Ipinahayag na ni Johnny Manahan o mas kilala bilang ‘Mr. M’ ang dahilan ng kaniyang pag-alis sa ABS-CBN Network.
Sa loob ng 50 taon nito sa entertainment industry, naging tanyag si Johnny Manahan sa kaniyang husay bilang isang starbuilder, producer, at director.
Malaking bahagi ng kanyang karera, na sa tantiya niya'y "35 or 40" taon, ay ginugol niya sa paghulma ng mga pinakasikat at pinakamagagaling na artista ng ABS-CBN.
Sa tagal na raw niya sa ABS-CBN ay naging saksi siya sa "two beginnings" at "two closures" ng network. Mula raw ito nang opisyal na maitatag ang korporasyon ng ABS-CBN noong 1967, hanggang sa maipasara ito ng gobyerno dahil sa martial law noong 1972.
Sakop din ang panahon ng pagbangon ng ABS-CBN noong 1986 at paglago nito bilang “giant broadcasting network” ng mga sumunod na taon, hanggang sa magsarang muli ang naturang network,nang pagkaitan ito ng Kongreso ng prangkisa.
Nagsisimula pa lamang daw siya noon bilang isang free-lance worker sa showbiz nang ideklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang martial law mula 1972 hanggang 1986. Kabilang ang ABS-CBN sa mga ipinasarang media companies ng panahong iyon.
Isang taon mula nang magbukas muli ang ABS-CBN, o noong 1987, hinikayat daw si Mr. M ni Frederico "Freddie" M. Garcia—na kilala naman sa industriya bilang FMG— na tulungang makabangon muli ang network. Executive vice president at general manager ng si FMG nang panahong iyon.
Pumayag si Mr. M at sumama siya sa ABS-CBN bitbit ang “Chicks To Chicks”, ang sitcom na kanyang idinirek at pinasikat sa Channel 13 mula 1979 hanggang 1987.
Napalitan iyon ng titulong “Chika Chika Chik”s sa bakuran ng ABS-CBN, kunsaan tumagal ito hanggang 1991.
Noong 1992, magkatuwang sila ni FMG sa pagbuo ng Talent Center, na ngayon ay kilala bilang ‘Star Magic’, ang tagapamahala ng talents ng ABS-CBN.
Noong July 9, 2020, nang hindi i-renew ng Kongreso ang prangkisa ng ABS-CBN, bahagi pa rin si Mr. M ng ABS-CBN.
Kaya naman ganoon na lang ang sorpresa ng industry watchers, at pati na rin ng publiko, nang umalis si Mr. M sa kanyang naging home network
Lumalabas na ang desisyon ni Mr. M na umalis sa ABS-CBN ay walang kinalaman sa pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN, o maging sa alok na gumawa ng blocktimer show sa TV5.
Ayon kay Mr. M, ang isang malaking bagay na nag-udyok sa kanyang bumitiw sa puwesto ay ang pagtayo ng "shadow talent center" na hiwalay sa Star Magic, na dinala niya umano sa management upang ayusin.
"There's a shadow talent center in ABS-CBN, and they have their own managers and they manage their own stars.” Lahad niya.
Pakiramdam daw ni Mr. M at ng staff ng Star Magic, unti-unti raw nawawalan ng pool of talents ang kanilang ahensiya dahil dito.
Ipinaliwanag ni Mr. M ang mga ex-housemates ay kadalasang sumasabak sa showbiz matapos ang mga stint nito sa reality show na Pinoy Big Brother (PBB), ngunit sa halip na ipaubaya raw sa Star Magic ang pamamahala sa career ng mga ito, ang mismong mga namumuno sa PBB daw ang humalili.
Ayon pa kay Mr. M, sinubukan niyang kausapin ang ABS-CBN management tungkol sa set-up ng tinawag niyang "shadow talent center." Ngunit, tatlong taon daw ang lumipas subalit walang nangyari.
Sa huli, naisip daw ni Mr. M na mas makabubuting sumuko at bumitiw na lang sa puwesto.
"Maybe I should just forget about everything. Do something else," sambit niya.
Ang plano raw talaga ni Mr. M ay magpahinga muna at maging abala sa kanyang home life, lalo na't kasagsagan ng C0VID-I9 pandemic.
Tinanggap lang daw niya ang proyektong maging creative consultant at direktor ng “ Sunday NoonTime Live” para matulungan ang na-retrench na mga empleyado sa ASAP na magkatrabaho uli. Ito ay matapos magkaroon ng malawakang retrenchment sa naturang network matapos hindi ma-renew ang prangkisa.
Ang SNL ay iprinodyus ng Brightlight Productions, na pag-aari ni dating Congressman Albee Benitez.
Nag-premiere ang SNL noong ika-18 ng Oktubre, 20, ngunit biglaan itong kinansela at huling umere nitong ika-17 ng Enero, taong kasalukuyan.
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento