Para sa kanilang mga kasambahay na matagal ng nagbibigay serbisyo sa kanilang pamilya, isang spesyal na “Christmas party”, ang inihanda ng mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes para sa kanilang mga kasambahay.
Sina Ate Glenda, Kuya Jhun, at Ate Cecile, ay ang tatlong kasambahay ng pamilya Dantes na halos napakatagal na taon ng naninilbihan at nagbibigay serbisyo sa kanila.
Para nga mapasaya ang kanilang mga kasambahay at mas madama ng mga ito ang tunay na diwa ng kapaskuhan, ay naghanda ang primetime couple ng simpleng programa na puno ng mga palaro, regalo, at mga papremyo sa kanilang inihandang special Christmas party para sa mga ito. At ito nga ay kanilang ipinalabas sa heartwarming episode ng kanilang mini-series na “Jose at Maria.”
Sa video ngang ito na ipinalabas ng mag-asawa sa kanilang sa episode ng mini-series nilang “Jose at Maria”, ay nakilala natin ang tatlong kasambahay ng pamilya Dantes. Si Ate Glenda, ang napakabuti at mapagmahal na kasambahay ng mag-asawa, na naging katuwang na nila sa pag-aalaga ng halos 5-taon sa kanilang panganay na anak na si Zia.
Si Kuya Jhun, na halos 17-taon ng naninilbihan sa pamilya Dantes, at isang ama na may anim na mga anak na binubuhay, at si Ate Cecile, na hindi napigilan na ibahagi ang kanyang paghanga sa kabutihang taglay ng mag-asawang Marian at Dingdong.
Isa nga sa mga palaro na inihanda ng mag-asawa, ay ang easy family trivia, na si Dingdong ang naging host. At dahil si Ate Glenda, ay talagang kilalang-kilala na sila, ay ito ang maswerteng nagwagi ng bisikleta, na isa sa mga papremyo ng mag-asawa.
“Malaking bagay po ‘yung bike na ‘yun na napanalunan ko., kasi siyempre po, ‘yung bike po na ‘yun, magagamit po ng inay o pamangkin ko papunta sa labas, kasi malayo po kasi kami sa kalsada, kaya kailangan din po namin o nila ng masasakyan para pagpunta sa kalsada”, ang naging saad nga ni ate Glenda, matapos matanggap ang papremyong bisikleta.
Bilang nagwagi sa boto na “most deserving”, ay si Kuya Jhun naman ang maswerteng nabigyan nina Marian at Dingdong ng isang bagong laptop, na mayroon pang kasamang wi-fi connections.
Malaki naman ang naging pasasalamat ni Kuya Jhun sa laptop na kanyang natanggap, dahil malaking tulong umano ito para sa pag-aaral ng kanyang anim na mga anak.
“Napakalaking bagay. Lahat ng mga anak ko, gumagamit ng cellphone sa kanilang online school. Eh ‘yung gumagana lang d’un ‘yung cellphone ng asawa ko. Eh, ilan ang mga anak ko? Anim!”, ang naging saad naman ni Kuya Jhun.
Samantala si Ate Cecile naman, ay ibinahagi kung gaano niya hinahangaan ang mag-asawa, dahil sa talagang napakabuti umano talaga ng mga ito, mapa-off screen o on-screen man.
“Wala po akong masabi kay ma’am [Marian]. Unang-una po, idol ko siya”, saad ni Cecile.
“Si Ma’am Marian talagang kung ano ‘yung pananalita niya sa TV ganun din po sa personal. Wala rin po akong masabi sa kanya, napakabait nilang mag-asawa”, dagdag pa ni ate Cecile.
Hindi naman makapapayag ang mag-asawang Marian at Dingdong na may uuwing luhaan o walang dala sa kanilang mga kasambahay. Kaya naman binigyan rin nila sina Kuya Jhun, Ate Glenda at Ate Cecile,
View this post on Instagram
ng mga grocery na maari nilang magamit sa pagsisimula ng maliit na sari-sari store, upang makatulong rin sa pamilya ng mga ito na magkaroon pa ng dagdag ekstra income, lalo na ngayong may kahirapan ang buhay dahil sa krisis na dulot ng krisis.
Nagbahagi naman ng kanyang mensahe si Marian, para sa kanilang mga kasambahay, na talagang pinasasalamatan niya dahil sa serbisyo ng mga ito sa kanyang pamilya.
“Hindi sapat ang mga materyal na bagay na ito, para tumbasan ang pagmamahal at serbisyo nila sa aming pamilya”, ani ni Marian sa video.
“Ganun pa man, simbolo ito ng aming pasasalamat sa kanila lalo na ngayong kapaskuhan”ang naging saad naman ni Dingdong para sa kanilang mga kasambahay.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento