Biyaya ang pagbubuntis; sabi nga nang karamihan. Ngunit ang pagdadalang-tao ay talaga namang mahirap. Habang tumatanda, mas nagiging mapanganib ang pagbubuntis.
Ang pagbubuntis din ay minsang nagdadala ng komplikasyon sa kalusugan ng babae. Kung kaya naman ine-re-rekomenda rin ng mga doctor ang birth spacing o iyong paglalaan ng taon o ilan bago muling magbuntis matapos makapanganak. Mayroon ding itong benepisyo sa pamilya, lalo na’t kalakip ito nang tinatawag na Family Planning.
Kung kaya nama’y talagang nakakagulat ang kuwento ng babaeng ito mula sa Uganda. Siya ay kinilalang si Mariam Nabatanzi na nagluwal sa 44 na bata.
Ayon sa mga ulat, 12 taonggulang ang babae nang siya ay ikinasal sa higit na nakakatandang lalaki. Ngayon, 44 na ang kaniyang anak mula sa 15 pagbubuntis sa edad na 36.
Hindi na rin naman kakaiba sa kanilang lugar ang ganitong pangyayari kung saan ang mga babae ay ikinakasal sa murang edad, lalo na sa kanilang kultura. Noon nga ay ikinasal siya sa 40 taong gulang na lalaki. Taon matapos nito iniluwal niya ang kanilang unang anak.
Ngunit isang kakaibang kondisyon ang dahilan kung bakit kinaya niyang magluwal pa ng 43 na anak sa ilang pagbubuntis matapos nga ang unang panganganak. Si Mariam ay mayroong hindi pangkaraniwang malaking obaryo.
Kadalasan, kung fertile ang babae, 12-14 araw bago ang buwanang dalaw, kung kailan malaki ang tiyansa nang pagbubuntis kung hindi protektado ang pagtatalik, naglalabas ng egg cell ang babae. Ngunit sa kaso ni Mariam, ilang egg cell din ang kaniyang inilalabas bawat buwan. Kung saan nga ay nagresulta nang madaling pagkakabuo ng bata, kaiba sa mga babae nang kaniyang edad
Ang ganitong kondisyon ng babae ay maari ring dumadaloy sa dugo nang kaniyang pamilya. Si Mariam ay mayroong anim na pares ng kambal, apat na angkupan ng triplets at limang pangkat ng quadruplets. Ngunit sa kasamaang palad, anim sa mga batang ito ay hindi niya na nakasama ng matagal dahil pumanaw na.
Sa kondisyon niyang ito, siya ay sinabihan na ng mga doktor na huwag na muling magbuntis, sapagkat maaari nang makasama sa kaniyang kalusugan kung mangyayari pa ito muli.
Hindi rin naman daw maaaring gumamit ng birth control pills si Mariam sapagkat nagdudulot lamang ito ng hormonal imbalance, na maaaring mas makapagpalala ng kaniyang kondisyon imbis na bumuti.
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento