Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Mexican Artist Na Si Thalia Ang Bidang Aktres Sa Teleseryeng Marimar Akalain Niyong Hindi Pa Rin Kumukupas Ang Kanyang Kagandahan

Bago pa man dumating at kapanabikan ng maraming mga manonood ang mga Korean Drama series, ay una munang minahal ng mga Pinoy ang mga telenovela, at isa na nga sa mga ito ay ang mga Mexican Telenovela na talaga namang hindi basta-basta malilimutan.




Hindi nga maikaka-ila na marami rin ang mga Pinoy na sumubaybay at kinapanabikan ang mga kwenton pag-ibig na mga Mexican Telenovela. At ang pinaka-popular nga noon ay ang telenovelang may titulo na “Marimar”, na pinagbidahan ng Mexican artist na si Thalia.

Image Credit: thalia/Instagram

Dahil sa taglay na ganda ng istorya ng “Marimar”, idagdag pa ang angking kagandahan at kaseksihan ng bida nitong si Thalia, ay talaga namang maraming mga Pinoy ang naluluong rin na panoorin ito. At si Thalia nga, na gumanap bilang si Marimar, ay talaga namang lubos na minahal at hinangaan ng maraming mga Pilipino.

Image Credit: thalia/Instagram

Si Marimar, o kilala rin bilang si Thalia, ay si Ariadna Thalia Sodi Miranda Mottola sa tunay na buhay. Siya ay isang singer, songwriter, producer, actress, at entrepreneur. Maliban nga sa kanyang native Spanish na lenggwahe ay kaya rin niyang kumanta, gamit ang iba’t ibang mga lenggwahe, tulad ng English, French, Portuguesse at Filipino.

Image Credit: thalia/Instagram

Kilala rin si Thalia sa buong mundo, bilang isa sa mga pinakamatagumpay at pinaka-influential na Mexican artists. Dahil naman sa kanyang naging kontribusyon sa musika ng Latin pop ng halos tatlong dekada, ay kinilala din si Thalia, bilang “Queen of Latin Pop” ng international media.

Image Credit: thalia/Instagram

Sa buong karera niya bilang isang Mexican artists, ay nakamamanghang nakabenta siya ng 25-milyong records sa buong mundo, at nakakuha ng napakaraming mga parangal bilang isang mahusay sa mang-aawit at aktres.

Image Credit: thalia/Instagram

Samantala, ilang taon na nga ang lumipas mula ipalabas ang “Marimar” na pinagbidahan ni Thalia noon. At ngayon nga, ay 49-taong gulang na ang orihinal na Marimar, at sa kabila ng edad niyang ito ngayon, ay kamangha-mangha naman na wala pa ring kupas ang taglay na kagandahan at kaseksihan niya.

Image Credit: thalia/Instagram

Makikita nga sa mga larawan ngayon ni Thalia, na sa kabila ng pag-angat ng edad nito, ay tila wala namang naging pagbabago sa hitsura nito, dahil sa wala namang naging pagbabago sa kanyang napakagandang mukha.

Image Credit: thalia/Instagram

Matatandaan naman na noon ay dalwang beses ng inawan ng Philippine version ang Mexican telenovela na “Marimar”, kung saan ay ang mga sikat na Pinay celebrity na sina Marian Rivera at Megan Young ang gumanap bilang si Marimar.

Image Credit: thalia/Instagram

Maliban nga sa Marimar, ay marami pang mga Mexican telenovela ang pinagbidahan ni Thalia, na talaga namang hindi basta-basta malilimutan, tulad na nga lamang ng Maria Mercedes, Maria la del Barrio, Rosalinda at Quinceaňo.




Ayon naman sa ilang mga ulat, ay ikinasal na si Thalia noong buwan ng Disyembre taong 2000, kay Tommy Mottola, isang music executive. Ang pagsasama ng mag-asawa, ay nabiyayaan na rin ng dalawang anak, at ito nga ay sina Sabrina Sakae Mottola Sodi, 12-edad at si Matthew Alejandro Mottola Sodi, 8-edad.

Halos dalawang dekada na ngang kasal si Thalia, at masayang -masaya nga ang Mexican artist sa kanyang buhay ngayon, kapiling ang kanyang kabiya at ang kanilang dalawang anak.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento