Ang pagkakaroon ng anak, ang isa sa mga pangarap sa buhay ng maraming mag-asawa. Lalo na sa isang babae, iba ang kasiyahan na kanyang nararamdaman kapag nalaman niyang may isang sanggol na nabubuhay sa kanyang sinapupunan. Mas tumitibay din ang pagsasama ng mag-asawa, kapag sila ay may anak, dahil ito ang mas lalong nagbubuklod sa kanila.
Parang kailan nga lamang ng ginulat ng aktres na si Roxanne Barcelo o mas kilala sa kanyang tunay na pangalan bilang Anne Roxanne Jordan Barcelo ang lahat, ng kanyang isapubliko na siya’y ikinasal na. Ang pagkakaroon nga ng krisis ay hindi naging hadlang sa aktres, para magpakasal sa kanyang non-showbiz boyfriend.
Sa kabila nga ng pagkakaroon ng krisis, ay nagawa pa rin ni Roxanne at ng kanyang non-showbiz boyfriend na maging isa silang dalawa, sa pamamagitan ng pagbubuklod nila sa isa’t isa ng araw ng sila ay ikasal sa harap ng Diyos.
Noon ngang ika-24 ng Disyembre, ng ibahagi ni Roxanne sa kanyang mga tagasuporta at tagasubaybay na siya ay ikinasal na sa lalaking kanyang minamahal, at ito nga ay sa pamamagitan ng isang vlog.
Samantala, halos nasa isang buwan pa nga lamang ng i-anunsyo ni Roxanne ang kanyang naging pagpapakasal, ay isa na namang masayang balita ang kamakailan lamang ay ibinahagi ng aktres sa publiko, at ito nga ay ang kanyang pagbubuntis na ngayon sa magiging panganay na anak nila ng kanyang asawa.
Ayon nga kay Roxanne, ay napakalaking biyaya sa buhay nilang mag-asawa ang pangyayaring ito, dahil sa kabila ng sinabi ng OB gyne sa kanila na matatagalan pa bago sila magkaroon ng anak, ay parang “blessings” talaga na ibigay sa kanila ng Diyos ang ganito kalaking biyaya.
Noon ngang ika-21 ng Enero ng ibahagai ni Roxanne sa lahat ang napakasayang pangyayari na dumating sa buhay nilang mag-asawa, at ito nga ay ang nalalapit na silang maging mga magulang sa kanilang magiging panganay na anak.
Nagpapasalamat naman si Roxanne sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa kanya, lalo na sa mga taong nagdadasal para sa kanyang kalusugan, ngayong siya’y nagdadalang-tao sa panahon na laganap pa rin ang krisis sa ating bansa.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento