Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Seller Ng Ukay-Ukay, May Nakakakilabot Na Karanasan Sa Binebentang Pulang Polo Shirt

Nakakatindig-balahibo ang karansan ng isang ukay-ukay seller na nagpakilala bilang si Lez. Ito nga ay matapos niyang ibahagi ang kaniyang istorya sa Facebook page na “Spookify”.

Taong 2019 raw nagsimula si Lez sa negosyo ng Ukay-ukay. Mabilis daw itong bumenta, lalo na sa online

Aniya, habang nagli-liveselling raw siya, hawak-hawak ang isang pulang polo-shirt, may nagkomento raw sa kaniyang video na ang cute raw ng bata sa kaniyang likod.

Nagtataka raw siya kung bakit nagkomento ang kaniyang viewers nang ganoon,samantalang, mag-isa lamang daw siya sa kanilang bahay. Napahinto raw siya, iniwan saglit ang live video, sa pangambang baka mayroong nakapasok sa bahay niya nang hindi namamlayan. Ngunit, nang kaniyang silipin, wala naman daw ibang tao. 

Nang kaniyang balikan ang kaniyang iniwang live video, mayroon nang isang buyer ang nagkomento ng "mine" sa pulang polo shirt. 

Kinabukasan ng araw na iyon, inayos na ni Lez ang mga package ng mga ipapadalang kagamitan sa mga namili nito. 

Makalipas ang tatlong araw, nagmessage umano sa kaniya ang babaeng bumili ng pulang polo shirt, nagrereklamong hindi ang naturang kulay ng damit ang naipadala. 

Nagsend pa raw ng litrato ang babae kung kaya't akala niya'y manloloko lamang ito. Imposible raw kasi na magkamali siya dahil wala naman siyang itindang damit nang panahong iyon. 

Sa bandang huli, nagpaumanhin na lamang siya. Baka nga nagkamali raw siya sa pag-aayos at sinubukang hanapin sa kaniyang cabinet ang pulang damit, subalit wala siyang nakita. 

Kinagabihan niyon, nang humiga na siya sa kama, nakapatay ang ilaw at nagce-cellphone, kukuhanin na sana niya ang kumot ngunit sa kaniyang pagkapa, nagulangtang siya nang ang pulang polo shirt ang kaniyang hawak imbis na kumot. 

Sa sobrang takot, napabalikwas siya sa kama at sinindihan ang ilaw, upang masigurong totoo ang nangyari. 

Agad niya raw inihagis ang naturang damit sa labas ng kuwarto at kinandado ang pintuan. Bumalik sa kama at iniwanang nakasindi ang ilaw. 

"Mga isang oras nakalipas tipong napapapikit na ko. Bigla may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Sa takot ko sinilip ko lang sa baba ng pinto kung sino yoon. Wala kasi ako kasama noong panahon na yon. Pagkita ko yung pulang damit para nagsasayaw, parang nililipad ng hangin. Kita ko yung anino at dulo ng damit."Saad ni Lez. 

Naglakas-loob daw siyang buksan ang pinto, nakita raw niya ang batang tinutukoy ng kanyang mga viewers sa live selling habang suot ang pulang polo shirt. Bigla raw itong nagsalita at tinanong kung bakit ibinebenta raw niya ang damit na iyon, samantalang bigay raw sa iyon ng nanay nito noong kaarawan nito, araw rin mismo na naaksidente ito. 

Nawalan raw siya ng malay pagkatapos noon. Nagising na lamang raw siya nang umaga na, sa harap na ng pinto nakatulog. Pagbangon niya, ang pulang polo shirt ay naging puti na raw. Napaisip siya na baka sumakabilang buhay na ang talagang may-ari ng damit na iyon. Natanto rin niyang baka ang dahilan kung bakit pula ang damit na iyon noong una ay dahil puro dugo ang polo shirt dahil nga naaksidente ang bata.

Pagkatapos ay inilagay niya raw sa kahon ang polo shirt, pinagdasal, saka ito inilibing ng maayos. Simula raw noon, hindi na siya muling nagbenta ng ukay-ukay dahil aniya, hindi naman talaga raw niya alam kung saan nanggaling mismo ang mga damit.


Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento