Si Alfred Vargas ay kilala ng publiko bilang isang mahusay na aktor, at ngayon ay isa na ring politician. Hindi maikakaila, na bago siya pumasok sa pulitiko, ay marami muna siyang nagawang mga proyekto at pelikula sa telebisyon bilang isang aktor.
Nang pumasok si Alfred sa pagiging isang pulitiko, ay napili niyang paglingkuran ang kanyang mga kababayan sa lungsod ng Quezon City, kung saan una siyang naging konsehal hanggang maisipan niyang tumakbo sa 5th District ng nasabing lungsod bilang isang kongresista.
Agad namang nagwagi ang aktor, sa naging ikalawang paglaban niya bilang kongresista, dahil sa nakakuha agad siya ng 85-porsyento na mga boto, mula sa kanyang mga kababayan.
Samantala, hindi nga lamang ito ang mga fulfillment na nakamit ni Alfred Vargas sa kanyang buhay, dahil maliban sa pagiging isang aktor sa harap ng kamera, at mabuting kongresista sa lungsod na kanyang pinaglilingkuran, ay mas malaking fulfillment ang naibibigay sa kanyang ng kanyang pamilya.
Ang pamilya ni Alfred Vargas ang itinuturing niyang isa sa pinakamahalagang bagay sa kanyang buhay at ito rin ang siyang nagsisilbing lakas at inspirasyon niya sa bawat desisyon niya sa buhay.
Una na nga sa pamilya ni Alfred ay ang kanyang asawang si Yasmien Vargas at ang kanilang tatlong mga anak, na sina Alexandra Milan Vargas, Aryanna Cassandra Vargas, at ang bunso at nag-iisang anak nilang lalaki na si Alfredo Cristiano Vargas IV.
Hindi nga maikaka-ila na isa napakasayang pamilya mayroon ang aktor na si Alfred Vargas, dahil base sa mga larawan nilang pamilya, lalo na ang kanilang naging Christmas Photoshoot, ay tila nagpapakita ito ng isang halimbawa ng perpekto at masayang pamilya.
Sa Instagram ni Alfred, ay makikita ang naging pagbabahagi niya ng larawan ng kanyang pamilya, kung saan ay ang napakagandang Christmas set-up ang kanilang naging background, at kalakip nito ay ang naging caption ng aktor na;
“A beautiful Christmas portrait for Alfred and Yasmien Vargas and kids [4 christmas tree emoji] Have a meaningful Christmas everyone! Christmas set up by @gideonhermosa.”
Bilang isang ama ng tahanan at kongresista ng kanyang bayang pinaglilingkuran, ay ipinakita ni Alfred Vargas, na ang mabuting pamumuno, ay nagsisimula at unang nang-gagaling sa kanyang pamilya.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento