maraming mga mamamayan ang nagkaroon ng oras sa iba’t ibang mga bagay,na noon ay hindi masyadong napapansin dahil sa araw-araw na tayo ay abala sa ating mga buhay. Isa na dito, ang hilig sa pagtatanim at paghahalaman, na talaga namang kinahiligian ng marami, ng magkaroon ng Krisis.
Kung atin ngang iisipin, sa kabila ng takot at pangamba na nadarama nating lahat, dahil sa Krisis, ay mayroon din naman itong naging magandang dulot, tulad na lamang ng pagkakaroon natin ng mas mahabang oras at panahon sa ating pamilya noong magkaroon ng quarantine,
at ang isa ay ang pagkahilig ng marami sa atin sa paghahalaman, kung saan medyo nabawasan ang polusyon sa hangin, dahil sa muling dumarami ang halaman na naglilinis nito.
Samantala, batid rin natin na ang pagatatanim ay nakatulong sa pang-araw araw na buhay ng tao, dahil dito na rin sila kumukuha ng kanilang kakainin sa araw-araw o di kaya naman ang iba ay ginawa itong negosyo, upang maging source of income nila.
Isa na nga sa mga pamilya, na talagang kinahiligan na ngayon ang pagtatanim ay ang pamilya nila Cheska at Doug Kramer.
At dahil nga sa talagang kinahiligan na nilang mag-asawa, at maging ng kanilang mga anak ang magtanim ay gumawa sila ng sarili nilang bakuran, kung saan ay nagtanim sila ng samu’t saring mga halaman, tulad ng prutas o gulay.
Para nga sa mag-asawang Doug at Chesk, ay tila isang tindahan ng prutas at gulay ang kanilang bakuran, dahil dito na nila kinukuha ang kanilang mga kinakailangang sangkap na gulay o nais na kainin na prutas.
Makikita nga sa Instgram ni Doug, ang naging pagbabahagi niya ng kanilang bakuran, kung saan napakaraming mga pananim.
“Gavin watching over his gardener mama! Harvesting has been hard, cause the rainy season. But they’re all starting to grow again in the plant boxes!, ang naging caption ni Doug.
Sa larawan ngang ito ay makikita, kung paanong inaalagaan at inaayos ng asawa ni Doug, na si Cheska, ang mga tanim nilang halaman, dahil sa ang mga ito’y naapektuhan ng mga nakaraang bagyong dumaan.
Kapansin-pansin naman na puro organiko, ang mga pananim na prutas at gulay ng mag-asawa. Napaka-green living na nga ngayon ng pamumuhay ng pamilya Kramer, at dahil sa mayroon na nga silang mga sariling tanim na prutas at gulay ay mas nasisigurado nila na ang kanilang kinakain ay sariwa at presko, dahil sa ito’y pipitasin na lamang nila sa kanilang bakuran.
Ikinatuwa naman ng maraming mga netizens, ang green living na pamumuhay ngayon nina Doug at Cheska. At ang iba pa nga sa kanila, ay talagang na-inspire sa mag-asawa, dahil sa kabila ng masaganang pamumuhay ng mga ito, ay nagagawa pa rin nila ang simpleng pamumuhay, na tulad ng pagtatanim.
“Wow amazingly beautiful clean and green surrounding. It’s very invigorating place to live. GOD BLESS THE WORKS OF YOUR HANDS TEAM KRAMER. TO GOD BE ALL THE GLORY AMEN AMEN AMEN.” “The best talaga kayo Team Kramer I admire you both and all your kids… ang gaganda ng mga projects niyo.. God bless you Team Kramer! Merry Christmas to all!”
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento