Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Tunghayan Ang Pagmamahal Ng Isang Ama Sa Kanyang Anak Matapos Nitong Matiyagang Samahan Sa Pagkuha Ng Teachers Board Exam

Ang isang magulang ay kayang magsakripisyo ng kahit na ano para sa kanilang mga anak. Lalo na kung ito, ay para sa pagkakaroon ng magandang kinabukasan ng kanilang mga anak.




Sa tuwing lalabas nga ang resulta ng iba’t ibang mga board exams, lalo na sa Licensure Examination of Teachers (LET), ay nakaraming mga kwento ng inspirasyon tayong naririnig o nababasa. At karamihan sa mga kwentong ito, ay patungkol sa mga naging hirap, at pagpupursige ng mga taong kumuha ng nasabing pagsusulit.

Image Credit via Google

Samantala, kamakailan nga lamang ay isang nakamamanghang kwento, patungkol sa pagkuha ng board exams ang naging viral online. At ito nga ay ang kwento ng isang mapagmahal na ama, na todo suporta ang ibinibigay sa kanyang PWD na anak. Ang kwento ngang ito ng mag-ama, ay ibinahagi ng natizens, na nagngangalang si Shiela May Glor, isa rin sa mga kumuha ng board exam.

Image Credit via Google

Ayon nga kay Shiela May, ng araw na kumuha siya ng board ng exam, ay agad niyang napansin ang isang matandang lalaki sa labas ng gusali kung saan ginaganap ang pagsusulit ng LET, na tila may hinihintay.

Image Credit via Google

Paglalahad ng dalaga, 6:30 pa lamang ng umaga, ay nakita na niya ang naturang matanda, at sa unang tingin niya pa lamang dito, ay nakita niya agad na tila kay buti nitong tao, dahil sa bawat tao, na mapapadaan sa harapan nito ay kanyang nginingitian.

Image Credit via Google

Kwento pa ni Shiela May, ng matapos niya ang LET mga bandang 5:30 ng hapon, ay nakita niya na naroroon pa rin ang matandang lalaki, at matiyagang nag-aantay. Kaya naman ng mga sandaling iyon, ay ramdam niya sa kanyang sarili, na kung sino man ang hinihintay ng matanda, ay todo ang suporta niya para rito.

Image Credit via Google

Dahil nga sa hindi pa lumalabas ang hinihintay ng matanda, ay nagkaroon si Shiela May na makausap ito, ng ito ang unang makipag-usap sa kanya.
“Ay talaga po? Sino po ang anak niyo d’yan, Tay? Tanong ng dalaga sa matanda.

“Yun oh!” sabay turo sa bintana. Si sir pala na naka-wheel chair ang anak niya.
“Mula 1st year yan hatid sundo ko na ‘yan. Hanggang ngayon sa board n’ya.”

Sa naging pag-uusap ngang ito ni Shiela May at ni Tatay, ay nadama ng dalaga, ang labis na pagmamahal ng isang ina, sa anak nito. Kung saan, isa si Tatay sa nagpatunay, na lahat ng sakripisyo ay kayang gawin ng isang magulang para sa kanilang mga anak.

“Gusto ko pong maiyak. Dama ko yung sakripisyo ni Tatay at ng lahat ng mga magulang para sa mga anak nila. Yung kaya nilang gawin ang lahat ng walang pagkapagod o pagkainip.

Isinama ko po kayo sa prayer ko, Tay, na nawa po bigyan ka pa ng mas mahaba pang buhay at mas malakas na katawan. At nawa din makapasa ang anak n’yo.
Di ko na nainterview pa si Tatay kasi ilang minute lang natapos na din si sir sa pagsagot at sinundo na siya ni Tatay sa loob.”

Tunay ngang nakaka-antig ang kwento na ito ng isang ama na walang pagod na sinusuportahan ang kanyang anak sa pagtupad ng pangarap nito.




Maraming mga netizens naman ang humanga sa labis na pagmamahal at suporta ni Tatay sa kanyang anak. Maging sa anak ni tatay na isang PWD, ay humanga ang mga netizens, dahil sa kabila ng kapansanan nito, ay hindi niya ito iniisip na hadlang upang matupad niya ang kanyang pangarap.

Makikita naman sa comment section na ito ni Shiela May, ang naging update ng dalaga, patungkol sa naging pagkuha ng exam ng anak ni tatay, at ayon sa kanya, ay isa ito sa mga pinagpalang makapasa sa Teacher’s Board Exam.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento