Hindi naman naging lihim sa lahat, na bago pa man ikasal ang aktres na si Heart Evangelista sa mister nito ngayon na si Chiz Escudero ay may kahati na ang aktres sa buhay ng kanyang mapapangasawa, at ito nga ay walang iba kundi ang kambal na anak ni Chiz sa una niyang asawa na sina Quino at Chesi.
Sa kabila nito, ay ipinaglaban pa rin ng aktres ang kanilang pagmamahalan, at buong pusong tinanggap ang magiging role niya sa buhay ng mga anak ni Chiz, at ito nga ay ang pagiging step-mom ng mga ito. Minahal rin niya ang mga ito bilang tunay niyang mga anak.
Hindi naman naiwasan na may mga kumalat na mga usapin tungkol sa relasyon ni Heart sa kambal na anak ni Chiz. May mga lumabas ng ang usap-usapan ng pagiging hindi mabuting ina ni Heart sa kambal, na mariin namang itinanggi ng aktres.
At upang bigyang linaw ang usaping ito, ay binigyang sagot ni Heart sa kanyang vlog ang akusasyon na ito sa kanya. Ibinahagi nga ng aktres sa kanyang vlog, kung gaano kaganda ang relasyon niya sa kambal at kung gaano niya kamahal ang mga anak ng kanyang asawa.
Ayon nga sa aktres, sa simula ay hindi naging madali sa kanya ang mag-adjust sa buhay mag-asawa nila ni Chiz. “In the beginning I must admit it was very hard for me to adjust because I’m the youngest and again, I never really had a total freedom in my life.
And then finally when I was married, I had all the freedom. But then I couldn’t make out with my husband anywhere in the house because we had kids. That was really, really hard for me. I mean, making out was not the hard part. I’m just saying that the set-up was such an adjustment.”
Dagdag pa ni Heart, sa kabila ng adjustment na kanyang kinakaharap, ay pinagsikapan niyang tanggapin ang sitwasyon at mas maging ‘mature enough’, dahil aminado siyang may pagka-immature pa siya ng magpakasal sila ng asawa.
“I was so much more immature during those times. So, it was really hard for me. I would cry. We would be walking sa mall. Siyempre twins so ‘yung isang kamay [ni Chiz] hawak yung isa, ‘yung isang kamay, hawak yung isa. Ako taga bitbit ng paper bag sa likod. ‘Ganito ba talaga ‘yung gusto ko?”
Dito na nga rin ibinahagi ni Heart, na sa kabila ng hindi madali ang sitwasyon na kanyang kinakaharap matapos niyang ikasal ng asawa niyang si Chiz, ay buong puso naman niyang tinanggap sa kanyang buhay ang mga ito at itinuturing rin na kanyang sariling anak.
Dahil kapag mahal mo nga naman ang isang tao, lahat ng taong kanyang minamahal ay mamahalin mo rin. “But then when you love other people, even if you didn’t give them the gift of life, parang it feels so good because you don’t really want necessarily anything in return. You just want to love them. You just want to guide them. Now I really love them as my own.”
Ibinahagi rin ni Heart na mas naging malapit siya sa kambal na anak ng asawang si Chiz, at mas nararamdaman niya sa mga ito ang pagiging isang ina, ng makunan siya sa magiging unang anak sana sila ng asawa.
Mahal na mahal rin umano ni Heart ang kambal na anak ng asawa, dahil sa batid niyang hindi na bumabata ang asawa, at sa bandang huli ay marahil ang kambal na mga anak nito ang kanyang kinakasama, kaya naman labis na pagmamahal at pagpapahalaga ang ibinibigay niya sa mga ito.
“I really love them so much. We are fully aware that Chiz is a little bit older than to all of us so in the end, kami lang din ang magsasama-sama so I treasure them so much.”
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento