Kabilang sa mga pinaka-popular at sikat na komedyante ngayon ay ang Dabarkads na si Wally Bayola, siya ay kilala rin bilang ka-duo o laging kasa-kasama ng sikat ring komedyante na si Jose Manalo.
Marami sa atin ay hindi nakababatid na si Wally ay mayroon ng limang anak, na likas rin ang pagiging gwapo at magaganda. Isa na nga sa mga ito ay anak niyang babae na head turner ang angking ganda na si Lyza Bayola.
Hindi rin batid ng iba sa atin, ano ang magandang anak na ito ni Wally ay may sarili na niyang pamilya, at isa na ngang mommy sa anak nitong si Zafira Lois, na super cute baby.
Maliban sa pagiging isang anak, ay super fan rin umano si Lyza ng kanyang ama, lalo pa nga’t maraming tao ang nabibigyan nito ng kasiyahan. Isa na nga sa tumatak sa marami na karakter na ginampanan ng ama niyang si Wally, ay ang pagiging si “Lola Nidora” sa Kalyeserye noon ng GMA na nagpakilig sa milyong-milyong mga tao.
Sa Instagram nga ni Lyza, ay makikita ang naging pagbabago niya, kung gaano siya ka-proud bilang anak ni Wally Bayola, at kung gaano niya hinahangaan ang ama.
“Half off this versatile actor.. Keep up your great job and continue to bring laughter and tears to other people but don’t forget to get some rest rin, hehe… I love you, papa! [red heart emoji] Kudos to you and to the whole cast of Kalyeserye.”
Ayon sa ibang mga ulat, madalas na binibisita ni Liza ang kanyang ama sa studio ng Eat Bulaga. Kaya naman nagagawa rin niyang maka-bondin ang ibang mga co-host ng ama sa nasabing programa.
Tulad ng ibang netizens, ay isa rin si Liza sa mga kinikilig kay Pambansang Bae Alden Richards, kaya ng ito’y kanyang makita noong taong 2015, ay talaga namang labis ang kanyang naging kasiyahan.
Hindi naman naging lingid sa kaalaman natin, na marami na ring pinagdaanang pagsubok ang ama ni Liza na si Wally Bayola, mabuhay karera o pamilya men, ngunit sa kabila ng lahat ng pagsubok ay naging matibay at matatag pa rin ang Eat Bulaga host, dahil kasama niya sa bawat pagharap sa hamon ng buhay ang kanyang asawa at mga anak.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento