Search This Blog

Powered by Blogger.

Rumored Couple Na Sina Bea Alonzo At Dominic Roque Nakumpirma Na Magkasamang Nagbakasyon Sa Isla Ng Amanpulo

Makalipas ang ilang araw na naging tampok ng espekulasyon ang solo picture nina Dominic Roque, (30) at Bea Alonzo, (33) na parehong nasa sikat na private island sa Palawan, ay namataan nga ng mga masugid na tagahanga ng humored couple ngayon sa showbiz na magkasama ngang nagbakasyon sa Amapulo ang dalawa.




Tila nga naging matinik ang mga tagahanga nina Dominic at Bea sa pagkalap ng mga larawan na magpapatunay na magkasama nga ang dalawa, kung saan ay naghanap sila ng larawan na makikitang magkasama sina Bea at Dominic.

Photo Credit: beaalonzo/Instagram

Mapapansin kasi sa IG account nina Dominic at Bea, na hindi nagbabahagi ang mga ito ng mga larawan nila, na sila’y magkasama.

Photo Credit: beaalonzo/Instagram

At nito nga lamang ika-5 ng Pebrero, araw ng Biyernes ay lumutang ang mga larawan ng dalawa, na magpapatunay na magkasama nga sila. Isa nga sa mga larawan nina Dominic at Bea na lumabas, na nagpapakitang magkasama sila sa nasabing Isla, ay ang larawan kung saan kuha sa isang beach front.

Photo Credit: beaalonzo/Instagram

Matatanaw sa nasabing larawan, na nakatalikod ang isang babae na nakasuot ng one-piece at bare-shoulder black swimsuit. Samantala, matatanaw din sa parehong larawan, ang isang lalaking may hawak ng kamera habang nakaluhod, at tila kumukuha ng larawan sa ibang direksyon.

Napansin naman ng mga masugid na tagahanga ni Bea, na ang suot ng naturang babae sa larawan ay tugma sa suot na black swimsuit ng aktres, na kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram.

Photo Credit: dominicroque/Instagram

Maliban pa sa nasabing larawan, ay may isa pa umanong larawan ang magpapatunay na magkasama nga sina Bea at Dominic sa Amanpulo.
Base naman ito sa isang larawan kung saan ay makikita nga ang mukha ng aktres, habang siya’y naglalakad sa pathway.

Photo Credit: dominicroque/Instagram

Sa larawan ngang ito, ay makikita na habang naglalakad ay nakangiti si Bea, kung saan ay mapapansin rin ang kanyang sukbit na shoulder bag. Nakasuot ang actress ng isang dress na kanyang tinernuhan ng sombrero, na tila nga outfit nito sa gagawing pamamasyal.
Makikita ngang may kasama si Bea sa na larawan, at ito ay isang babae at lalaki, na parehong may hawak na DLSR kamera.

Photo Credit: dominicroque/Instagram

Para marahil bigyan ng privacy ang aktres ng taong kumuha ng kanyang litrato, ay bago nito ini-upload ang larawan, ay tinakpan muna nito ang mga mukha ng dalawang kasama ni Bea.
Ngunit sa kabila nito, ay mayroon namang isang larawan kung saan makikita ang mukha ni Dominic, na naging tugma naman ang kasuotan nito at hawak na DLSR kamera sa lalaking may takip ang mukha na kasama ni Bea sa isang larawan.




Kahit nga hindi pa direktang kinukumpirma nina Dominic at Bea na magkasama silang dalawa sa napakagandang isla ng Amanpulo, ay mahihinuha naman na sila ngang dalawa ay parehong nasa Isla. Lalo pa nga’t halos sabay lang ang kanilang naging pagbabahagi ng kani-kanilang mga kuhang larawan at videos sa Amanpulo na kanilang ini-upload sa kani-kanilang Instagram account.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments:

Post a Comment