Kamakailan lamang ay naging panauhin ni Michelle Madrigal sa kanyang vlog ang kapwa aktres na si Carla Humphries, kung saan ay pinag-usapan nga nilang dalawa ang mga iba’t ibang karanasan nila sa kanilang buhay.
At sa nasabing ang blog na ito, ay naibahagi ni Carla Humphries ang kanyang matagal ng nararamdaman. Ikinuwento nga ni Karla ang mga naging karanasan niya ng una siyang tumapak sa bansang Amerika.
Saad nga ng aktres, nung una pa lamang na tumapak siya sa Amerika ay talagang hindi naging madali sa kanya ang buhay. Lalo pa nga’t wala siya ni isang kapamilya sa nasabing bansa, na maaari niyang malapitan, idagdag pa na wala rin siya noong bagay na pinagkakakitaan.
Nakaranas din umano siya na magkaroon ng karamdaman, kung saan ay wala siyang ibang maaasahan na mag-aalaga sa kanya kundi ang sarili niya lamang.
Nang ito nga ay sabihin ni Karla, ay agad namang ibinahagi ni Michelle ang ipinapakitang pag-uugali ng mga Pilipino kapag may mga taong nagsasabi na sila ay nakakaranas ng ibang pakiramdam, lalo na nga ang pagkalumbay.
Ayon nga kay Michelle, ay marami sa mga Pilipino ang hindi pagbibigay pansin o hindi nagiging seryoso sa isang tao kapag ito ay nagsasabing sila ay nakararanas ng depresyon. Tila nga hindi naniniwala ang mga Pilipino sa epekto ng depresyon sa isang tao.
Marami nga umano sa mga Pilipino, ang iginigiit na ang depresyona ay nasa pag-iisip lamang ng tao, at ito ay agad-agad ring nawawala. Dagdag pa ng aktres, tila isang kahihiyan sa isang tao, kapag ito ay nakararanas ng depresyon sa kanyang buhay.
Nagbigay payo naman si Michelle sa kanyang mga subscribers at tagasuporta, na kung mayroon ngang tao na lumapit sayo o tao kang kakilala, na nagsasabi na sila ay nakararanas ng depresyon ay huwag akong balewalain, bagkus kinakailangan na ito’y tulungan.
Ito ay sa dahilang, kung sakali na hindi ito binigyang pansin o halaga, ay baka maisip pa ng naturang tao na gumawa ng bagay na maaaring kanyang makasira o nakasama.
Dagdag na sagad pa nga ni Karla, marami sa atin, ang kapag hindi agad-agad nailalabas ang emosyon na nais nating ilabas, ay nakakagawa tayo ng mga bagay na hindi kanais-nais.
Matapos ngang mapag-usapan ng dalawa ang tungkol sa depresyon, ay binalikan nila ang karanasan ni Karla sa Amerika, at dito na nga sinabi ng aktres, na ang una niyang dating sa nasabing bansa ay kasagsagan pa lamang halos ng krisis.
Ayon nga kay Karla, ng dumating sa Amerika, ay wala siyang bahay na matutuluyan, ngunit mabuti na nga lamang ay may isang taong nagmagandang loob na siya’y patuluyin sa tahanan nito, lalo pa nga’t nag-lockdown.
Kwento pa ni Karla, kaya siya nanatili sa LA (Los Angeles), ay upang ipagpatuloy ang mga bagay na gusto niya gawin sa kanyang buhay, ngunit doon niya rin napag-alaman na hindi pala yung ganun kadali.
Saad pa niya, hindi rin porke nasa ibang bansa ka, ay mayaman ka na, ito ay dahil sa kung hindi ka nagsisikap sa ibang bansa, ay talagang puro paghihirap ang iyong mararanasan.
Sa mga hirap nga na kanyang naranasan sa Amerika, ay madalas na naalala ni Karla ang kultura at kaugalian ng mga Pinoy, na pagiging matulungin sa kapwa. Dahil sa Pilipinas nga, ay uso ang pagbabayanihan at tulungan,
samantalang sa ibang bansa kung wala ka talagang pamilya, kaibigan o kakilala man lang, ay talagang wala kang malalapitan o matatakbuhan kapag ikaw ay nangailangan.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento