Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

"Ba't Di Ka Natutulog Sa Tabi Ko", Batang Nakayakap Sa Kabaong Ng Ina, Umantig Sa Puso Ng Mga Netizens

Kung minsan may mga pagkakataon at pangyayari  sa buhay natin na hindi mo lubos inaasahan. Na halos darating sa punto na masasabi mo na lang na bakit sayo pa nangyari ito o kaya naman ay bakit sakanya pa. Masasabing, ang buhay kung minsan ay “unfair” o “hindi patas”, wika nga ng iba.

Katulad na lamang ng isang larawan na ito na mabilis na nag viral at naging usap-usapan sa socmed. Makikita dito ang isang batang lalaki na nakadukduk sa kabaong ng kanyang namayapang ina. Kitang-kita ang sobrang lungkot sa mata ng bata habang nakatitig sa wala nang buhay na kanyang ina. 

Ayon sa mga netizens, sobrang nakakadurog ng puso ang makakita ng ganitong pangyayari. Pero ang mas kumurot sa kanilang damdamin ay matapos malaman na ang buong akala pala ng bata ay natutulog lang ng mahimbing ang kanyang ina. Nang tanongin nito kung bakit hindi ito natutulog sa kanyang tabi.

Hindi biro talaga na ipaliwanag sa isang bata ang ganitong pangyayari lalo’t hindi pa nito tunay na maiintindihan ang kahulugan ng ganitong malungkot na yugto ng buhay.

Kaya kung minsan ay ang pinaka magandang paliwanag na lang ang madalas na ipinapaintindi sa kanila, upang sila ay hindi masaktan ng sobra.

Kaya naman sa buhay ay lagi natin tatandaan na kahit ano pa man ang dumating na problema o hindi magandang bagay o pagkakataon, tayo ay laging maging matatag at maniwala na malalagpasan din ang mga ganitong pagsubok.

Lagi din nating isipin na hindi ibibigay ang ganitong pagsubok kung hindi natin kayang lagpasan. Ang istorya ng batang na nakadukduk at nakayakap sa kabaong ng kanyang ina, ay isa din na paalala na ang buhay ay hindi natin kontrolado o hawak.

Kaya naman habang nariyan pa ang mga mahal natin sa buhay ay lagi natin iparamdam kung gaano sila kahalaga sa atin at wag magsawang iparamdam kung gaano natin sila ka mahal. Dahil kapag dumating yung pagkakataon na iwan na nila tayo ay hindi na nila iyon maririnig o mararamdam.


Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento