Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Beauty Queen, Hinangaan Matapos Lumuhod At Nagpasalamat Sa Garbage Collector Na Ina

Sa panahon ngayon marami ang mga taong nakakalimot at nagiging mapagmataas matapos maabot ang tagumpay sa kanilang buhay. Yung tipong nakakalimutan na nila ang mga taong tumulong sa kanila para maabot ang kinatatayuan nila ngayon. Halimbawa na lang ang kanilang mga magulang na nagpalaki at sumuporta sa kanila.

Pero hindi lahat at ng nakakaabot ng tagumpay ay nakakalimot dahil meron din na lumilingon at tumatanaw ng utang na loob sa mga taong naging dahilan kung bakit sila nag tagumpay. Katulad na lamang ng isang Beauty queen sa Thailand na nag ngangalang, Khanitta Phasaeng.

Ang beauty queen na ito ang nanalo ng inaasam na korona sa Miss Uncensored News Thailand. Ngunit, muntik ng mawala sakanya ang korona dahil sa natuklasan ng organisasyon.

Si Khanitta ay nag sinungaling sa pagpasa ng application sa pageant. Kung saan sinulat nito na nakapasa siya sa grade school sa edad na 17 years old. Ngunit natuklasan na hindi pala ito totoo dahil sa hirap ng buhay ay hindi nito natapos ang pangatlong markhan sa paaralan.

Si Khanitta ay anak ng nangongolekta ng basura, na araw-araw ay nag tratrabaho para lang kumita ng pera at may makain. Ngunit kahit na ganoon ang kanyang pinanggalingan ay hindi ito nahihiya. Bagkus ay inaalay pa niya ang tagumpay na nakamit niya para sa kanyang ina.

Makikita sa isang larawan na kumalat sa socmed ang pagluhod nito sa paanan ng kanyang ina, na nagpapakita ng mataas na respeto sa kanyang magulang. Patunay na hindi niya makakamit ang tagumpay kung hindi dahil sa pagmamahal at pagaaruga nito.


Kilala si Khanitta Phasaeng sa palayaw na Mint sakanyang mga mahal sa buhay. Siya ay lumaki sa kahirapan.

Bata pa lamang ito ay tumutulong na ito sakanyang ina upang mangolekta ng mga basura, kung saan ay kanilang ibinibenta.


Kaya naman matapos malaman ng beauty pageant organization ang totoong istorya ni Khanitta ay lalo silang nakumbinse na talagang deserve nito ang korona sa patimpalak. Kung saan naniniwala sila na hindi lamang sa aking ganda at galing kung bakit ito nanalo kundi dahil din sa maganda nitong puso.

Ang istorya na ito ni Khanitta Phasaeng ay tunay ngang inspirasyon sa karamihan na sakabila ng tagumpay ay hindi nakakalimot lumingon sa pinanggalingan. Siguradong marami pa siyang tagumpay na makakamit dahil sa busilak na kalooban nito.


Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento