Hinangaan kumakailan ang isang 55 years old Doctor na si Dr. Zhang Xinzhi mula sa Anhui, China. Ito ay matapos niyang sinagip ang buhay ng kanyang pasyente kahit alam niyang di na mag tatagal ang buhay ng kanyang Ama.
Habang nakahiga ang kanyang Ama sa kama nito, tinawag si Dr. Zhang sa kanyang pinagtratrabuhan na hospital upang sumalang sa isang maagarang operasyon ng isang pasyente doon.
Puno ng kritikal na disisyon si Dr. Zhang ito ay ang mag laan pa ng ilang minuto sa ama niya o umalis na para isagip ang buhay ng kanyang pasyente.
Ngunit, matatag na pinili niyang sagipin ang buhay ng kanyang pasyente dahil ito ang kanyang propresyon sa buhay- ang sumagip ng buhay ng iba.
Bago umalis kinausap ni Dr. Zhang ang kanyang ama na may mas nangangailangan sa kanya. Ngumiti naman ang kanyang matandang ama dahil alam nito kung ano ang klaseng propesyon na trabaho na mayroon ang kanyang anak.
Habang nasa kalagitnaan ng operasyon nakatanggap ng tawag si Dr. Zhang na pumanaw na ang kanyang Ama. Labis ang kanyang pagsisi sa hindi niya pag laan ng ilang sandali kahit alam niya na ilang minuto nalang ang natitira dito.
Tahimik lang si Dr. Zhang sa loob ng dalawang oras na operasyon kahit alam niyang wala na ang kanyang pinakamamahal na ama. Ilang tawag ang kanyang hindi sinagot dahil mas nag focus siyang sagipin ang buhay ng kanyang pasyente.
Matapos malaman na successful ang operasyon doon na umiyak si Dr. Zhang. Alam niyang mamatay na ang kanyang ama pero mas pinili niyang sagipin ang buhay ng kanyang pasyente. Dahil dito, marami ang humanga sa kabutihang loob na ipinakita ni Dr. Zhang.
Mabuhay ka Dr. Zhan!
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento