Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Fishball Vendor, Isang Inspirasyon Dahil Napagtapos Ang 4 Na Anak Sa Kolehiyo

Sa panahon ngayon hindi biro ang makapag patapos ng mga anak sa pag-aaral. Lalo’t hindi biro ang mga gastusin na kinakailangang bayaran upang masuportahan ang mga ito.

Pero pinatunayan ng isang tatay na kahit mahirap ay kakayanin nito basta’t para sa kanyang mga anak.

Pinatunayan ito ng isang tatay na nagawang mapagtapos ang kanyang 4 na anak sakabila ng pagiging fishball vendor nito. Marami ang humanga sa istorya na ito na ibinahagi sa socmed ni Girlie Verzosa.

Ayon sa anak na si Girlie Verzosa, Habang sila ay lumalaki ay madalas na nabubully sila dahil sa kanilang tatay kung saan ay inaasar na isa lamang hamak na fish ball vendor. Pero sa kabila nito ay patuloy na naging matatag ang kanilang tatay at hindi sumuko.

Narito ang ibinahaging mensahe ni Girlie sakanyang post:

“Hindi ko malilimutan yung mga taong nagsabi samin na ‘Anak lang yan ng magfifishball’, ‘Wag nating kaibiganin kasi di sya level satin’…. haaay…. Buti na lang tinuruan ako ng papa ko na maging natural lang,” 

“Anak, kung anong meron ka wag mo ikahiya… wag mong ipilit na mag-astang mayamn para lang kaibiganin ka ng ibang tao… maging natural ka lang.”

“Grabe pala “SINONG NAGSABI NA FISHBALL LANG” kung apat na kolehiyo ang nakatapos ng dahil dun …masasabi ko lang tlga …na walang trabaho na Marangal ang dapat ikahiya 

Kung nanliliit ang mundo sa estadong meron ka …mas lalo mong ipagmalaki …dahil inggit lang sila dahil kung minsan kung sino pa may maayos na katayuan sa buhay …sila pa yung ayaw magsipagtapos sa pag-aaral … Pero ikaw …kahit na anong pangmamaliit pa sakin …may diploma na ko …sisigawan ko na lang sila 


Sa kabila ng pangmamata sa kanilang tatay ay tumanim sa kanila ang mabubuting pangaral nito. Na nag resulta upang hindi nila pansinin ang mga hindi magandang binibitawang salita sakanila ng iba. At sa huli ay naging lakas din nila ito upang magtagumpay at makatapos ng pag aaral.

Tunay nga namang kahanga-hanga ang pagsisikap ng kanilang tatay para makapagtapos sila ng pag-aaral at masasabing kahanga-hanga din ang mga pangaral nito sa kanyang mga anak.

Nawa’y ang istorya na ito ay makapagbigay ng inspirasyon sa iba pang magulang nag nahihirapan sa pagpapaaral sakanilang anak.


Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento