Matatandaan na ang aktor na si Mark Anthony Fernandez, ay nakulong noong taong 2016 sa Pampanga Provincial Jail matapos niyang mahulian ng marijuana sa loob ng kanyang kotse.Na-dismiss naman agad ang kanyang kasong illegal drugs possession, ngunit siya’y nakulong pa rin dahil sa paglabag niya sa Article 151 ng Revised Penal Code.
Nakalaya na naman ang aktor, noong buwan ng Disyembre taong 2017. At sa kanya ng ang paglaya, ay kita naman na naging ‘good boy’ na ito.
Samantala, matapos nga ang ilang taon na hindi natin nasilayan si Mark Anthony sa mga serye at pelikula, ngayon nga ay mayroong bagong proyekto na kinabibilangan ang aktor, at ito nga ay ang “Biyernes Santo.
Nito ng lamang nakaraan ay nagkaroon ‘virtual mediacom’ ang pelikulang Biyernes Santo, at marami nga ang nakapansin mula sa mga entertainment press na naging maganda ang pangangatawan nito ngayon, at mas fresh nga ang awra ng aktor.
Dito na nga ibinahagi ng aktor, na mula ng siya’y makalaya, ay kinarir na niya ang pag-exercise, kung saan ngayon nga ay malaki na ang naibawas ng kanyang timbang.
“Forty pounds na (ang nababawas). Tapos mag-e-80 days na akong nagawa-work out dire-diretso mula ng nakalaya ako.”
Ikinuwento pa ng aktor, na noong siya’y nasa kulungan ay ayaw siyang pag-ehersisyo ng mga tao doon, kaya naman talagang lumaki ang kanyang pangangatawan noong siya’y nakakulong.
Ibinahagi naman ni Mark Anthony na mula ng makalaya siya, ay nasa 800 days na siyang nagawa-workout. “Mag-e-800 days na akong nagawa-workout. Simula nung nakalaya ako. Natitigil lang pag may trabaho. So, sa awa naman ng Diyos”, kwento pa ng aktor.
Ayon nga kay Mark, aware siya na sa buhay artista, ay kinakailangan talaga na alagaan ang sarili at pangangatawan, dahil sa kinakailangan na maging maganda ang awra mo sa paningin ng publiko.
“Kasi ako talaga bilang artista, pakiramdam ko wala akong dating kapag hindi proper ‘yung weight ko. So, ito kahit paano, alam mo ‘yon? “Umabot na po sa punto na kailangan ko,’Lord ibalik niyo ‘yung figure ko’. Ganyan-ganyan, buti na lang na answered prayer. Salamat kay God”, saad pa nga ng aktor.
Ang pelikula nga na ‘Biyernes Santo’ na kabibilangan ni Mark Anthony ay mapapanood na sa ika-26 ng Marso sa premiere streaming app na Vivamax, ito nga ay mula sa direksyon ni Pedring Lopez. Makakasama niya rito ang mga aktor na sina, Gardo Versoza, Andrea del Rosario, Via Ortega at Ella Cruz.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento