Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Mga Batang Musmos Walang Pambili Ng Pagkain Pero May Pambili Ng Yosi

Sa panahon ngayon masasabi talaga na patuloy na dumadami ang mga kabataan na kinakailangan ng tamang pag-aaruga at pagdidisiplina, upang hindi malihis ng landas

Katulad na lamang ng isang post na lumabas sa socmed kung saan makikita ang ilan sa mga kabataan na nasa gilid ng sasakyan na naninigarilyo.

Maraming netizen ang nababahala sa video na ito kung saan makikita  ang tatlong bata (dalawang babae at isang lalake) na may hawak-hawak na sigarilyo sa kabila ng kanilang batang edad.

Ang video ay ibinahagi sa socmed page na Filipino Insights at sa ngayong ay umabot na sa mahigit 3 milyong beses na ito napanood.

Hindi nabanggit sa video kung saan nakatira ang mga ito, ngunit napag alaman na nabili ng mga bata ang sigarilyo sa isang tindahan sa hindi kalayuan. Dagdag pa dito ay napagalaman din na ang mga ito ay nag aaral sa paaralan ng “Bacood Elementary School”.


Sa kabila ng ipinatupad na “Nationwide smoking ban” nito lamang Hulyo 23, kung saan ay ipinagbabawal ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar sa bansa. Batay ito sa pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na Executive Order No.26.

Talaga namang nakakalungkot isipin na meron at meron pa ding lumalabag dito, bukod pa dito ay pati mga bata ay  kasama na din na lumalabag dito.

Marami ang naniniwala na sa murang edad pa lamang ay kinakailangan ng mapaunawa sa mga bata kung ano nga ba ang mga tama at mali. Upang sa paglaki ng mga ito ay maging tama ang kanilang ang kanilang mga desisyon at gagawin sa buhay.

Maganda din na sa mga nakakasama mismo ng mga kabataan makita ang magandang halimbawa upang ito ay kanilang mamana. Dahil katulad nga sa matandang kasabihan, Na kung ano ang nakikita ng bata ay siya ding kanyang ginagaya.

Kaya paalala sa mga magulang na bantayan at pangaralan mabuti ang inyong mga anak upang hindi matulad sa mga kabataan na nasa video na ito.


Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento