Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Mga Netizens Iki Namangha Ang Nakunang Larawan Kung Saan Makikita Ang Ulap Na Nagmistulang Imahe Si Hesus

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang isang larawan ng ulap na ibinahagi sa isang Facebook post, ito nga ay dahil sa tila naging hugis ni Hesus ang naturang ulap. Ang iba nga ay sinasabi na isip lamang ng tao na iyon ay imahe ni Hesus, ang iba naman ay sinabi na nagkataon lamang na ang ulap ay naging gano’n ang hugis,




ngunit may ilan naman na naniniwalang may nais ipahiwatig ang naturang paghugis umano ng imahe ni Hesus sa ulap.

Image Credit via Google

Isang presidente ng San Salvador de Jujuy sa bansang Argentina ang kumuha umano ng naturang larawan, kung saan makikita nga sa larawan na kanyang nakunan, ang ulap na may liwanag at humuhugot na imahe ni Hesus na tila nga nakasuot ng puting roba.

Image Credit via Google

Ang residente ngang ito ay kinilalang si Monica Aramayo, kung saan ayon sa kanya ay nakita niya ang isang liwanag sa kalangitan, at napansin ng niya na ang hugis nito ay tila estatwa ni Hesus na kung kanya ngang ilalarawan ay para itong nakakaputi ng roba, na nakadukwang ang mga braso na tila ba sumasalubong sa mga taong patuloy na sumasamba at pananampalataya sa kanya.

Kung titignan ngang maigi ang naturang larawan ay makikita nga na tila ito’y isang imahe, dahil sa pagkakaroon rin nito ng hugis ng ulo.Ang iba ngang tao ay nagsabing ito’y si “Jesus Christ”.

Ikinumpara naman ng iba ang naturang imahe sa larawan na nakunan ni Monica, sa malaking estatwa na makikita sa bundok sa Rio de Janeiro sa Brazil, kung saan ito nga ay ang “Christ the Redeemer.”




Naniniwala naman si Monica na ang nakunan niyang imahe na tila si Hesus, ay isang mensahe galing sa Panginoon na may nais ngang ipahiwatig sa sanlibutan.
May iba naman na nagsasabing peke ang litrato na ito na ibinahagi ni Monica, ngunit ito nga ay kanyang itinanggi dahil ayon sa kanya ay hindi niya ito inedit.

Marami naman sa mga Kristiyano ang naniniwala na may mensaheng hatid ang imahe sa nakunang larawan ni Monica, kung saan para nga sa iba ay tila nais nitong ipahiwatig na mas lalo pa nating kinakailangang paghirapan matupad ang kapayapaan sa buong mundo, at palawigin pa lalo ang pananampalataya sa Poong Maykapal.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento