Kamakailan ay mainit na usap-usapan sa socmed ang mga namataang unidentified flying object o UFO sa kalangitan, na namataan sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas.
Kabilang na dito ang namataan sa lalawigan ng “Marawi City”, kung saan sinasabi ng mga nakakita na nagulat sila ng biglang nagliwanag ang parte ng kalangitan sa kanilang lugar. At dahil sa unang beses lamang daw nila makakita ng ganoong kalaking liwanag sa kanilang lugar ay hinala nila na baka isa itong UFO.
Sa Pasig City naman ay may namataan din na liwanag ngunit ang kulay naman nito ay pula at ito ay namataan naman sa kalagitnaan ng dilim. At hinahanal din na baka isang UFO nga din ito dahil sa kakaibang hugis ng linawag nito.
Isang lalaki naman na nagpapastol ng kanyang mga alagang kambing sa Camrines Sur ang aksidenteng nakapag video nang katulad sa nasabing liwanag.
Ayon kay Ron Nagales, Siya ay nagpapastol lamang ng kanyang mga alaga at natuwa sa linawanag ng kalangitan kaya naisipan nitong mag video. Nagulat ito ng kanyang panoodin ang kanyang kinuhanan at nakita nito na may bilog na lumilipad sa kalangitan.
Sa unang tingin ay hindi agad makikita ang putting bilog na biglang bumagsak pero nung subukan itong islow-motion ay doon mo ito mapapansin.
Dahil sa pangyayari na ito ay sinubukan ni Ron Nagales na ipapanood ito sakanyang kapatid at una nilang hinala ay isa itong meteorite. Ngunit wala naman silang naalamanan na balita na meron ganon abiso sa television, kung saan may dadaang meteorite sa ganitong araw at lokasyon. Kaya Malaki ang hinala nila na isa nga itong UFO.
Ang mga pangyayari na ito ay nafeature sa programang “Brigada” at dito ay ibinahagi ang kasagutan ng PAGASA patungkol sa mga namataan hinihinalang UFO.
Sinubukan din ng mga ito ikonsulta ang video sa isang photography and video expert at ayon dito, ang mga video ay hindi inedit. Pinaniniwalaan din na maaaring ang bilog na lumilipad ay mula sa ilaw ng reflection ng sensor ng camera.
Narito ang embed video mula sa Brigada, kung saan umabot na ito sa mahigit sa 150k views online.
Kung kayo ang tatanongin, ano sa iyong palagay? Totoo nga kaya ang mga UFO na ito at naniniwala ba kayo sakanila? Maari niyong ibahagi ang inyong komento.
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento