Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Mula Sa Pagiging Panadero At Water Refiller Matagumpay Na Naging Lisensyadong Doktor Dahil Sa Kanyang Determinasyon Sa Buhay

Mayroon nga tayong kasabihan na ‘Ikaw, ang gagawa ng sarili mong kapalaran’, at kung ikaw ay isinilang na mahirap, ay nasa magiging takbo ng buhay mo ‘yan kung mamatay kang mahirap, o gagawin mo ang lahat upang ang kahirapan ay iyong mapagtagumpayan, at magkaroon ka nga ng magandang buhay at kinabukasan.




Batid naman ng marami sa atin, na sa pagtupad ng pangarap sa buhay, ay kinakailangan ang sipat, tiyaga at determinasyon. Ngayon nga ay muli naman tayong makakatunghay ng isang kwento ng puno ng inspirasyon, at nagpapatunay na sa kabila ng kahirapan, ay mayroong magandang buhay na naghihintay kapag ikaw ay nagsumikap sa iyong buhay.

Photo credit via Google

Ang kwento ng ang ito, ay ang kwento ng naging tagumpay ng binatang si Rommel, na sa kabila ng naparaming hirap na pinagdaanan sa buhay, ay naging pursigido at matiyaga na tuparin ang kanyang pangarap.

Photo credit via Google

Si Rommel ay ipinanganak na may kasalanan ang buhay ng kanilang pamilya, kaya naman agad niyang naranasan sa kanyang murang edad ang magbanat ng buto upang makatulong sa kanyang mga magulang.

Photo credit via Google

Ayon sa naging ulat, mula pa noong siya ay bata pa ay pangarap na ni Rommel ang maging isang doktor, ngunit dahil sa kakapusan ng pamilya ay hindi niya agad ito nakamit.

Photo credit via Google

Dahil sa talaga namang pangarap ni Rommel na bigyang katuparan ang pangarap niyang maging isang doktor, sa kabila ng hirap ay nagsumikap siyang magpursige na paaralin ang kanyang sarili habang siya ay nagtatrabaho.

Photo credit via Google

Taong 2005 ng maging isang water refiller sa Mega P&F Water Station si Rommel, kung saan kasabay nga ng pagtatrabaho niyang ito ay ang kanyang pag-aaral.

At dahil nga sa talagang pursigido si Rommel, na matupad ang pangarap niyang maging isang doktor, ay pinasok niya pa ang iba’t ibang klase ng trabaho, kung saan ay naging Merchandiser pa nga siya noong taong 2006 sa SM San Lazaro Supermarket.

Nang mga sumunod namang taon, ay nagtatrabaho si Rommel sa SYM Motors bilang Marketing Assistant, hanggang sa siya naman ay naging isang Sales Clerk sa SM Megamall noong taong 2008, at taong 2017 naman ay naging Assistant Baker siya sa RDA Bakery.

Dahil nga sa pagiging determinado ni Rommel, ay nagbunga ang lahat ng kanyang naging pagsusumikap, kung saan ay natupad niya ang tagumpay na masungkit ang kanyang minimithing pangarap.




Sa ngayon nga ay isa ng Licensed Physician & Registered Nurse sa isang ospital sa Maynila si Rommel.

Ginawa ng ang bahagi ni Rommel sa kanyang social media ang kwento ng kanyang naging tagumpay sa pagkamit ng kanyang pangarap upang maging inspirasyon sa mga taong hanggang ngayon ay patuloy pa ring kumakayod upang makamit ang kanilang pangarap, hindi lang para sa kanilang sarili kundi para rin sa mga mahal nila sa buhay.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento