Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Tingnan Ang Malaking Pagbabago Sa Buhay Ng Mag-Amang Pulubi Na Nagtitinda Lamang Ng Ballpen Sa Kalye Noon

Madalas tayong nakakakita ng mga pulubi sa daan, ang iba nga ay namamalimos, nangangatok sa bintana ng kotse, at ang iba ay nagbebenta ng kung ano-ano, para lamang maitawid marahil ang pang-araw araw nila sa kanilang buhay.




Kamakailan lamang ay mayroong larawan ng isang mag-amang pulubi na naging agaw-pansin sa social media dahil sa kahabag-habag na sitwasyon nila. Habang karga-karga kasi ng ama ang kanyang anak,

Image Credit via Google

ay nagtitinda ito ng ballpen. Makikita pa nga na tila umiiyak ang naturang ama, at nagmamakaawa sa mga taong inaalokan niya ng kanyang tindang ballpen, na bumili sa kanya ang mga ito, para marahil maitawid niya ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Image Credit via Google

Kinilala nga ang lalaking ito na si Abdul Halim al-Attar, isang Syrian refugee na naninirahan sa bansang Lebanon. Samantala, matapos nga na kumalat ang larawan na ito no ni Abdul kasama ang kanyang anak na karga karga niya, ay sino nga bang mag-aakala na dahil dito ay nagsisimula na mabago ang buhay nila.

Image Credit via Google

Nang kumalat nga ang naturang larawan, ay mayroong isang tao na nag magandang loob na tulungan siya, at ito nga ang naging daan para matupad niya ang mga pangarap niya para sa kanyang pamilya.

Image Credit via Google

Binigyan siya ng IndieGoGo ng $191,000 o humigit kumulang na 10-milyong piso. Ang pera ngang ito ay buong puso niyang tinanggap.

Image Credit via Google

Dahil naman sa pagkakaroon ng processing fees at bank fees, ay naging $169,000 na lang ang kanyang natanggap, ngunit magkaganonman ay nagpapasalamat pa rin si Al-Attar dahil malaking bagay na ang naturang halaga para mabago ang buhay nila ng kanyanf pamilya.

Image Credit via Google

Sa tulong nga ng naturang salapi, ay natupad niya ang mabigyan ng isang magandang bahay na tuluyan ang kanyang pamilya. Maliban pa nga dito, ay nagawa rin niya ng nakapag pundar ng pangarap niya ng negosyong panaderya, at ito nga ay kanyang napalago pa.

Image Credit via Google

Nakapag-aral din muli ang kanyang mga anak na halos tatlong taon nga ring nahinto sa pag-aaral. Ayon pansa mga ulat, dahil maganda na ang buhay ngayon ni Al-Attar, ay naisipan niya ring tumulong sa mga kapwa niya Syria Refugees, kung saan ang nag-hire nga siya ng 16-katao na makakatulong niya sa kanyang paniderya.

Image Credit via Google




Dahil nga sa masarap na tinapay at shawarma ang binebenta ng kanyang paniderya ay talaga namang maging matagumpay ang kanyang negosyo, at napalago niya ng husto ang kanyang panaderya.

Tunay nga na kapag ikaw ay mayroong mababang loob at kabutihan ng puso, ay may naghihintay na magandang biyaya sayo, katulad nga ng nangyari kay Al-Attar.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento