Isang masaya at nakakakilig na balita ang inihayag ng aktres na si Arci Muňoz sa kanyang mga tagahanga, ito nga ay tungkol sa kanyang buhay pag-ibig na ngayon ay muli na ngang nagkaroon ng kulay at kasiyahan.
Marami ang nakababatid na ilang taon na rin na buhay single ang aktres, ngunit ngayon nga ay isang tao na matagal ng parte ng kanyang buhay ang siya pa ang nagbibigay kulay sa kanyang buhay pag-ibig.
Ito nga ay dahil mula sa pagiging mag-bestfriend, ay humantong na nga sa ‘next level’ ang magandang samahan nila ng kanyang bestfriend na aktor, na si JM de Guzman.
Ang masaya at nakakilig nga na pangyayari na ito sa buhay nina RC at JM, ay ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram post, kung saan ay nakikita nga ang isang video, habang sila ay nasa isla ng Boracay.
Sa naturang video ngang ito, ay makikita ang naging pagbibigay ng aktor na si JM de Guzman kay RC ng bulaklak, kasabay nito ay ang pagpapahayag nito ng kanyang nararamdaman.
“matagal na tayong mag-bestfriends pero pwede bang manligaw?”, ang nakakakilig ngang tanong ni JM kay RC. Ipinabatid naman ni RC kung ano ang kanyang nadarama sa nasabing pangyayari,
sa pamamagitan ng caption na kanyang inilakip sa video, kung saan nga ay sinabi niyang ang araw na iyon ay talaga namang espesyal dahil naroon at kasama nila ng aktor, ang kani-kanilang pamilya, upang saksihan ang isang napakagandang pangyayari sa kanilang buhay.
“just really glad that the whole family was able to witness this beautiful moment. #mayforever #frombestfriendstolovers” Bumuhos naman ang mga komento mula sa kani-kanilang mga kaibigan sa industriya at tagahanga sa naging post na ito ni RC.
Makikita rin na ang-komento ng aktor na si JM de Guzman ng isang ‘smiley emoji.’
Nangako naman ang aktres na ibabahagi pa niya ang iba pang detalye ng pangyayaring ito sa kanyang vlog,
View this post on Instagram
na kanya ngang i-a-upload ngayong araw ng Lunes. Tila isa na namang ngang panibagong ‘love story’ ng celebrity ang aabangan at kakikiligan ng maraming mga netizens ngayon.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento