Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Isang Bata Ang Umantig Sa Puso Ng Mga Netizens Dahil Sa Ginawang Panulat

May dalawang uri ng pamumuhay dito sa mundong ating ginagalawan, mayroong marangya at masagana ang nararanasang pamumuhay, at ang iba naman ay lugmok sa kahirapan at kakapusan.




Kaya naman kung isang ay isang batang lumaki na mayroong masagang pamumuhay, ay masasabi mo ng maswerte ka, dahil naibibigay sayo ang mga bagay na iyong kinakailangan. Samantalang ang mga batang, lumaki sa kakapusan at kahirapan, ay kahit munting kailangan lamang nila sa kanilang buhay, ay hirap pa nilang makamtan.

Image Credit via Google

Kagaya na nga lamang ng isang bata na kamakailan lamang ay umantig ang puso sa mga netizens, dahil sa kakapusan ay hindi man lang magawang makabili ng maayos na panulat na kanyang gagamitin sa eskwela. At upang siya nga ay mayroong magamit, ay naisipan na lamang ng naturang bata ang gumawa ng ‘improvised’ na panulat.

Image Credit via Google

Samantala, dahil nga sa kahirapan ay mas maraming mga kabataan ngayon ang hindi na nakakapag-aral dahil sa hindi kayang tustusan ng kanilang mga magulang gawa ng kapos sa buhay, ngunit mayroon ring mga bata, na nagsusumikap pa rin na makapag-aral kahit hirap sa buhay, at isa na nga ang batang si Jan Kim sa mga ito.

Image Credit via Google

Marami ang talagang naantig sa kwento ng batang si Jan Kim, matapos nga niyang mag-viral sa social media dahil sa naging post ng kanyang guro tungkol sa kanya.

Image Credit via Google

Ayon sa naging pagbababahagi ng guro ni Jan Kim sa social media, sa tuwing siya’y may ipinapagawang sulatin o seatwork sa kanyang mga estudyante, ay napansin niya na may kakaiba sa naturang bata.

Noong una nga umano ay hindi niya agad ito napanasin, ngunit ng ito ay pagtuunan niya ng pansin ay nalaman niya na ang ginagamit nitong panulat ay ballpen imbis na lapis dahil sa ito’y nasa ikalawang-baitang pa lamang.

Nang tinignan nga ng guro ang gamit ng bata sa kanyang pagsusulat, ay kanyang napansin na itinatagi nito sa kanyang kamay ang ballpen na gamit. Kaya naman ito’y kanyang nilapitan, at dito nga niya nakita na ang isang improvised na panulat lamang ang ginagamit ng kanyang batang estudyante.

Sa naturang larawan nga na ibinahagi ng guro, ay makikita na ang improvised ballpen na gamit ng kanyang estudyante ay isang ink chamber na nilagay sa kapirasong kahiy at tinalian lamang ng goma.

Tinanong naman ng guro ang bata, kung bakit iyon ang kanyang gamit na panulat. Sumagot naman ang bata, at sinabing dahil may napulot siyang ballpen, at nalaman niyang may tinta pa ay ginawa nga ang improvised na panulat upang siya ay mayroong magamit sa ekswela.

Batid naman natin na dapat ay lapis ang ginagamit ng isang estudyante nasa ikalawang-baitang pa lamang, at hind inga isang ballpen. Ngunit dahil sa pakiusap ni Jan Kim, ay hinayaan muna siya ng kanyang guro na gamitin ang naturang panulat, dahil sa alam din ng guro kung ano ang sitwasyon ng buhay ng bata.

Video Credit: Gma News/YouTube

Ibinahagi din ng nasabing guro sa kanyang pagsasalaysay na ang batang si Jan Kim ay talaga namang kinakikitaan niya ng dedikasyon sa buhay, dahil sa nagsisipag at nagpupursige talaga itong mag-aral. Ayon pa nga sa guro, pangarap daw ni Jan Kim sa paglaki nito, ay ang maging isa ring guro.




Dahil nga sa talagang naantig umano ang puso ng guro sa kanyang estudyante , ay ibinahagi niya ang kwentong ito sa kanyang social media, at hiling niya ay maging inspirasyon nawa sa ibang mga kabataan si Jan Kim,

na sa kabila ng nararanasan nitong kahirapan ay patuloy pa ring nagsusumikap sa pag-aaral dahil sa nais nitong mabigyan ng katuparan ang pangarap na maging isang guro sa hinaharap.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento