Isang 55-anyos na street sweeper ngayon ang hinahangaan ng marami dahil sa kabila ng kanyang edad ay nagawa pa rin niyang magsumikap at ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral hanggang sa makamtan na nga niya ang diploma sa kolehiyo na kanyang pinapangarap.
Ang street sweeper nga na ito ay kinilalang si Ofelia Mondays, isang 55-taong gulang na nakapagtapos nga ng kursong Business Administration sa Batangas City.
Ayon nga sa mga naging ulat, si Nanay Ofelia ay madalas na nakikita na naglilinis ng mga lansangan sa Barangay Poblacion sa Batangas City. Sa kabila nga ng pang@nib na dala ng krsisi ay patuloy pa rin siya sa pagsisikap niya sa kanyang trabaho.
Samantala, kung ang pagiging isa nga niyang ‘frontliner’ dahil sa pinapanatili niya ang kalinisan ng kapaligiran kahit na panahon ng pandem!c ay hinahangaan na, ay mas hinahangaan pa nga ng marami si Nanay Ofelia dahil sa nakakabilib niyang napagsabay ang kanyang trabaho at pag-aaral sa loob ng apat na taon.
Si Nanay Ofelia nga ay nakapagtapos ng kursong Business Administration sa Colegio ng Lungsod ng Batangas. Ngunit bago nga umano siya nag-aral na apat na kurso sa kolehiyo, at tinapos muna ni Nanay Ofelia noong taong 2014 ang alternative learning system ng Department of Education.
Dahil sa kanyang naging pagkapasa, ay agad siyang nabigyan ng scholarship ng lokal na pamahalaan ng Batangas City sa Colegio ng Lungsod ng Batangas kung kaya naman talagang buong tiyaga at dedikasyon niyang pinagsabay ang pagtatrabaho at pag-aaral. aging inspirasyon si Nanay Ofelia sa marami lalo na nga sa kanyang anak na si Crizel.
“Sobrang pinagtiyagaan niya talaga. Halos madaling araw umaalis nay an magtatrabaho, magwawalis tapos uuwi siya ng umaga na, maliwanag na. Tapos mag-aaral siya kasi marami siyang assignment”, paglalahad ni Crizel sa nakita niyang determinasyo ng kanyang ina.
Pagbabahagi naman ni Nanay Ofelia, kahit na hindi sila nagkaroon ng graduation ceremony sa kanilang naging pagtatapos sa kolehiyo dahil nga sa krisis ay lubos naman ang kanyang kasiyahan lalo pa’t suportado siya ng kanyang mga anak at masaya ang mga ito para sa naging tagumpay niya.
“Huwag na po nating hintayin na tayo ay magkaedad pa o maging matanda bago mag-aral…. Kailangan po talaga maging positibo tayo sa buhay at gawin po natin ‘yung tama at alam natin na makakatulong sa atin. Ganoon din po sa ating kapwa”, ani Nanay Ofelia.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento