Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Ma Inspire Sa Kwento Ng Isang Dating Janitor At Ngayon Ay Isang Matagumpay Na Abogado

Muli na naman tayong makakasaksi ng isang kwento ng buhay na punong puno ng inspirasyon, kung saan isang netizen ang nagpapatunay na ang sipag, tiyaga at determinasyon, ang siyang maging daan upang ang pangarap na maging matagumpay sa buhay ay maging posible anuman ang iyong estado o pamumuhay.




Ang kwento ng ang ito ay ang naging tagumpay ng pangarap ng dating janitor na si Ramil Comendador, na ngayon ay isa ng abogado. Si Ramil Comendador ay nagtatrabaho noon bilang isang janitor sa Commission of Elections. Apat na taon din siyang nagtatrabaho sa nasabing opisina, habang pinagsasabay nga niya ang kanyang pag-aaral.

Image Credt via Google

Ayon kay Ramil, hirap man sila noon sa buhay, ay hindi naman niya hinayaan na iyon ang maging hadlang upang siya’y hindi makapag-aral sa kursong nais niya, at ito nga ay ang abogasya.

Image Credt via Google

Siya’y tubong Catanduanes, at dahil nga sa pangarap niya talaga ang maging isang abogado sa hinaharap, ay nagdesisyon siyang lumuwas sa Maynila upang doon ay makipagsapalaran sa buhay, dala-dala pa rin ang pangarap na balang araw ay magiging isa siyang ganap na abogado.

Image Credt via Google

“Baon-baon mo yung pangarap mo na makaalis sa kahirapan. Baon-baon mo yun, siyempre. Malaking bahagi nun talaga yung tiwala mo sa Panginoon, atma itatawid mo yung mga pangarap mo.”

Image Credt via Google

Nagtrabaho si Ramil, upang maitaguyod ang kanyang pag-aaral ng abogasya, habang patuloy na nagtitiwala sa Panginoon, na balang araw lahat ng kanyang pagsisikap ay magkakaroon ng bunga.

Image Credt via Google

Hindi nga naman naging madali ang kalagayan ni Ramil na mairaos ang kanyang pag-aaral at pangara, dahil hindi nga lamang ito ang kanyang tinutustusan kundi mayroon pa siyang dalawang anak na binubuhay.

Kaya naman talagang napakalaki ang naging pasasalamat ni Ramil ng sa kabila ng kahirapan at maraming pagsubok sa buhay, ay nagawa niyang makapagtapos ng Law course.

Agad namang kumuha ng Bar Exam si Ramil, matapos niyang makapagtapos, at mas labis ang kanyang pagkamangha at kaligayahan nadama, dahil sa hindi niya inakala na sa unang beses lamang na pagkuha niya ng naturang eksaminasyon ay agad siyang makakapasa.

Hindi nga inakala ni Ramil, na sa edad niyang 35, ay makakasama sa sa Bar Exam, dahil halos sukuan na nga niya ang pagkuha ng board exam.

“Yung kamay ko nun, naghshe-shake talaga, as in hindi makapagsulit. Ang ginawa ko po, after kong magdasal, kinuha ko ng kaliwang kamay ko ang kanang kamay ko at pilit kong idiniin sa papel. Sabi ko, ‘Panginoon, pahintulutan mo ng makapagsulit ako, kasi gustong gusto ko itong maitawid.”

Nagkaroon na ng magandang bunga lahat ng pagsisikap at tiyaga ni Ramil, dahil ngayon ay naisakatuparan na niya ang pangarap niya na propesyon.




Samantala, may tanging kahilingan naman si Ramil sa kanyang buhay ngayon na siya’y naging matagumpay sa pagtupad ng kanyang pangarap at ito nga ay ang makita niya ang kanyang ama, na ayon sa kanya ay nang-iwan sa kanila noong panahon na siya’y nasa sinapupunan pa lamang ng kanyang ina.

Ibinahagi naman ni Ramil na isa sa mga sikreto ng kanyang naging tagumpay ay ang kanyang matatag na pagtitiwala sa Panginoon, at sa kanyang sariling kakayahan.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento