Isang magandang balita para sa mga hindi pa nakakapag apply at nagbabalak palang na mag parehistro sa National ID. Ngayong April 30, Friday ay sisimulan na ang online registration para sa National ID System. Ayon ito sa NEDA o National Economic and Development Authority.
Ayon kay Acting Socioeconomic Planning Secretary na si Karl Kendrick T. Chua, Ang nasabing National ID ay makaktulong upang mapadali ang transaksyon sa gobyerno at Negosyo.
“Isa sa layunin ng National ID ang pagbigay access sa serbisyong pinansyal na kadalasang nahahadlangan ng kawalan ng valid ID… Inaasahan din natin na sa pamamagitan ng National ID mapapadali ang mga transaksyon sa gobyerno at Negosyo”
Matatandaan din na nito lamang nakaraan Marso ay hinihikayat ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Pilipino na bigyan ng atensyon ang pagpaparehistro o pagkuha ng National ID System. Dahil umana, malaking ginhawa ang maidudulot nito.
Bagamat magiging online na ang registration ng National ID, kinakailangan pa din umano na pumunta sa registration centers ng mga aplikante para makapag bigay o makunan ng biometrics. Dagdag pa dito ay kinakailangan na magbukas din ng bank account kung wala pa ang mga ito.
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento