Si Donnalyn Bartolome ay isa sa mga personalidad ngayon na hinahangaan ng marami dahil sa kanyang pagiging matulungin. Siya’y kilala rin ng publiko bilang isang singer at influencer, na madalas na pagbabahagi ng mga pangyayari sa kanyang buhay sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel.
Matatandaan nga na isa sa mga hindi makakalimutan na pagtulong ni Donnalyn sa ating mga kababayan, ay ng hagupit ng bagyong Ulysses ang lugar ng Marikina at Rizal.

Kung saan maliban sa pagpapadala ng mga relief goods para sa mga taga Marikina at Rizal, ay bumili rin ito ng mga bangka noon, na pang gamit ng mga rescuers sa pagligtas sa mga kababayan natin na lubhang nabahaan.

Samantala, dahil sa talagang naapektuhan si Donnalyn sa sinapit ng mga kababayan natin dahil sa naging matinding pagbaha, ay gumawa ng isang charity ang singer-influencer, at ito nga ay tinawag niyang “Influence Us”.

Ang layunin ng itinatag nitong ‘charity’ ay ang makalikom pa ng pondo na maidaragdag sa pangtulong sa ating mga kababayan na labis na nasalanta ng bagyo.

Agad naman makalikom ng isang milyon na donasyon si Donnalyn, ito ay sa tulong na rin ng mga taong bagbigay donasyon sa kanyang charity, idagdag pa dito ang kinikita niya sa kanyang YouTube channel.

Hindi nga lamang ito ang ginawang tulong ni Donnalyn sa mga taga-Rizal, dahil nito lamang nakaraan ay pinangunahan naman ng singer-influencer ang isang tree planting activity sa naturang lugar.

Ayon kay Donnalyn, hangad ng kanilang Grupo ang makapagtanim ng mahigit isang libong kawayan, na isa sa mga makakatulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng matinding pagbaha sa Rizal.

Napili nga umano nila ang bulubundukin ng Rizal dahil sa pagkakaroon nito ng ‘watershed’ o isang palatubigan na siya ngang sumasalo ng tubig na nagmula sa mga maliliit na ilog sa naturang lugar.

Dahil naman sa kakayahan ng kawayan na humigop ng mas maraming tubig kumpara sa iba pang puno at sa paglipas ng panahon ay mas marami pa ito, kaya naman ito ang napili nilang punong-kahoy na itanim.
Video Credit: Donnalyn Bartolome/YouTube
Batid nga naman natin na ang pagtatanim ng punong-kahoy ang isa sa pinaka-mainam na solusyon upang maiwasan ang pagkakaroon ng matinding pagbaha.
Hinikayat naman ng singer-influencer ang iba nating mga kababayan na kung maari ay simulan na ang pagtatanim ng mga puno sa kani-kanilang lugar, ito’y upang matulungan na rin ang ating kalikasan.
Dagdag na saad pa ni Donnalyn sa mga viewers niya sa kanyang YouTube channel, ay hayaan lamang ng mga ito na lumabas ang mga advertisement, dahil sa mas ito ang ang nakakatulong sa kanila upang makaipon pa ng pondo na ginagamit nila sa pagtulong sa iba pa nating mga kababayan.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento