Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Biktima Ng Bully Noon Hinahangaan Na Ngayon Matapos Maging Isang Beauty Queen

Mula sa naging buhay noon na laging tampulan ng tukso sa kanilang probinsya sa Malinao sa Albay dahil sa kanyang timbang at hitsura, ngayon ay isa ng hinahangaang beauty queen sa ibang bansa ang 29-taong Filipinang dalaga na kinilalang si Lorevie Rexie Lianko Carrascal.




Dinaig nga ng Filipinang si Lorevie ang mga kalaban niya mula sa iba’t ibang mga bansa, matapos niyang tagumpay na masungkit ang pangunahing titulo sa BeingShe Universe Pageant na idinaos sa bansang Dubai noong buwan ng Nobyembre taong 2020.

Image Credit via Google

Base sa mga naging ulat, ang patimpalak na ito ay inilunsad para sa mga kababaihan, dalaga man o may asawa, mula nga sa iba’t ibang bansa na naninirahan sa UAE (United Arab Emirates).

Image Credit via Google

Sa isang online interview kay Lorevie ng Inquirer ay kanyang inihayag na maraming oportunidad na ibinigay ang platform ng BeingShe Universe. “The platform of Being The Universe opens a lot of opportunities not just me, but all the people I inspire whenever they here my story”, ani Lorevie.

Image Credit via Google

Dagdag pa niya, “I always respect my crown as a responsibility to do something good, to always inspire other people that there is no age limit in reaching for a certain goal in life. Having a strong faith and also determination is one of my advice to everyone.”

Image Credit via Google

Para rin sa 29-taong gulang na Filipina na isang human resource officer ngayon sa UAE, ay umaasa siyang ginagamit niya ang kanyang korona para matulungan ang mga kababayan niyang Pinoy na nasa UAE na ipinamalas ang mga talento ng mga ito para nakapagbigay karangalan sa Pilipinas.

Image Credit via Google

“BeingShe, together with its founder Aparna Bajpai, are always there to support and create something different that will help the women of our society realize their full potential in life.”

Ikinuwento naman ni Lorevie na noo ay lag inga siyang tinutukso dahil sa kanyang timbang at hitsura. Dagdag pa niya tinatanggihan din siya ng mga beautician sa salon noon, at sinasabi nga ng mga ito sa kanya na mahirap siyang pagandahin.

At ngayon nga ang dating tinutukso, ay mayroon ng maipagmamalaki ng korona na nagniningning na mamy sagisag ngang, “power, responsibility, dreams and confidence.”

Nagtapos na valedictorian si Lorevie, at ang kanyang talino ang nagdala sa kanyang sa Texas, Estados Unidos bilang exchange student at siya nga ay nakakuha ng digri sa turismo.

Matapos makapagtapos, ay umuwi sa Pilipinas at nagawa ng ang magtrabaho sa Bicol at Metro Manila, ngunit kalaunan nga ay nakipagsapalaran siya na magtrabaho sa ibayong-dagat para mas lalo pang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.

Siya nga ay napadpad sa bansang UAE, at habang siya’y nasa naturang bansa ay ginawa niya ang lahat para mapaunlad at mas lalo pang mahalin ang kanyang sarili sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel.

Ito rin ang naging dahilan niya, kung bakit siya sumali sa pageant na kanyang winagian, dahil sa pagsusulong nito ng women empowerment.




Ibinahagi rin ni Lorevie na ang kanyang mga naging inspirasyon para mas lalo pang igihan at ipakita ang kanyang talento, ay ang mga kapamilya at kababayan niya sa Albay na naging matatag noong bayuhin ang kanilang lugar ng Superbagyong ‘Rolly’, noong araw mismo bago sumapit ang coronation night.

“Seeing their post made me feel so determined to win the title”, ani Lorevie.
Pagpapatuloy niya pa, “I always use my crown as a reminder that it is never too late to do something extra ordinary even in the most challenging of times.”


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento