Si Kim Chiu ay isa sa mga personalidad na kilala at popular ngayon sa mundo ng Philippine Showbiz industry. Sa dami ng mga proyekto, serye at pelikula na kanyang ginawa ay masasabi nga natin na isa siya sa mga matagumpay na aktres sa showbiz.
Ngunit, ang hindi alam ng marami sa atin, kahit na napakaganda na ng career ni Kim bilang isang actress, ay mayroon pa rin siyang mga pangarap sa buhay na hindi niya pa maisasakatuparan, at ito nga ay ang matapos ang kanyang pag-aaral at magkaroon ng diploma.
Marahil ay marami sa atin ang nais malaman kung bakit sa kabila ng kayang-kaya na Kim paaralin ang kanyang sarili ngayon, ay bakit hindi pa rin nito isinasagawa ang siya’y makabalik sa eskwela.
Kung saan sa kanya ngang vlog sa YouTube channel niya, ay ibinahagi niya ang dahilan kung bakit hindi pa niya ginawa ang mag-aral muli upang siya’y makapagtapos at makakuha na ng kanyang pinapangarap na diploma.
Sa isang latest vlog nga ni Kim, ay kanyang ibinahagi na sa kabila ng kanyang tinatamasa ng kasikatan ngayon ay mayroon din siyang naging pagsisi na hindi niya tinapos ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo.
Diretsahan niya ng ang sinagot ang isang katanungan na, “Where did Kim Chiu go to college?” Kung saan ayon nga sa naging sagot ni Kim, ay hindi pa nga siya nakapagtapos ng kolehiyo, kung saan isa nga umano ito sa mga naging ‘regrets’ niya sa kanyang buhay.
“Isa ito sa mga regrets ko in life, na hindi ako nakatungtong ng college. But I think, everything happens for a reason at dito ako dinala (showbiz)”, ani Kim.
Ayon nga kay Kim, naniniwala siya na nasa kapalaran na niya ang maging isang artista, at ito nga ay upang suportahan niya ang kanyang pamilya, lalo na ang pag-aaral ng kanyang mga kapatid.
Kahit naman hindi siya nakapagtapos ng kanyang pag-aaral sa kolehiyo ay thankful at blessed pa rin umano si Kim, dahil malaking reward para sa kanya ang binigyan niya ang mga kapatid niya ng magandang edukasyon.
Samantala, ayon naman kay Kim minsan na rin niyang sinubukan ang bumalik sa eskwela at ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Kung akin ang matatandaan noong buwan ng Agosto taong 2015 ay ibinahagi niya sa kanyang Instagram ang naging pag-enroll niya sa Pamantasan ng UP (University of the Philippines).
Ngunit dahil nga umano sa dami ng kanyang mga proyekto, ay hindi umano niya kinaya na pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho, kaya naman huminto rin siya. “Hindi ako nagtagal kasi hindi ko kinaya. Ang daming assignment, ang daming projects, tapos nagte-teleserye pa ako.”
“Though hindi ko naman sinisisi ‘yung projects na ‘yon because those are opportunities”, ani Kim. Dagdag naman ng aktres, hindi siya nawawalan ng pag-asa na makakabalik siya sa pag-aaral at makapagtapos siya ng kolehiyo.
Ayon pa sa kanya, wala man sa plano niya sa ngayon ang mag-aral, hindi naman niya sinasara ang pagkakataon na magagawa rin niya ito balang araw. “Ang pag-aaral I’m sure naman nandiyan lang ‘yan and there’s always a way and time na makabalik tayo sa pag-aaral. Makakakuha tayo ng college degree. Soon. Hindi natin iyan iba-block”, saad ni Kim.
Maliban naman sa kagustuhan niyang makapag-aral muli, ay ibinahagi nga rin ni Kim sa vlog niyang ito ang estado ng relasyon nila ng kanyang nobyong si Xian Lim. Kung saan ay diretsahan niyang sinabi na sa ngayon ay wala pa sa plano nila ng aktor ang pagpapakasal.
“Wala pa kami doon”, ani Kim.
Dagdag pa nito, “Let see.” Bago naman natapos ang vlog na ito ng aktres, ay napag-usapan rin ang ilan sa mga Chinese heritage nila, pati na rin ang naging pagpasok niya sa showbiz, kung saan ang naging daan nga ay ang naging pag-audition niya sa Pinoy Big Brother noong taong 2006.
Source: Famous Trends
0 comments:
Post a Comment