Marami sa mga netizens ang nakapansin ng paglaki ng pangangatawan at pagtaas ng timbang ng celebrity mom na si Mariel Rodriguez Padilla ng kanyang ipanganak ang ikalawang baby girl nila ng asawa niyang aktor na si Robin Padilla.
Dahil sa madalas na ginagawang pagbabahagi ni Mariel sa kanyang YouTube channel ng mga life activities niya bilang mommy ng kanyang dalawang anak, ay hindi nakaligtas sa mga mapanuring mata ng mga netizens ang biglaan ngang paglaki ng kanyang pangangatawan.
Kahit naman marami ang pumupuna nito, ay hindi naman nagpa-apekto si Mariel sa lahat ng mga sinasabi sa kanya patungkol sa pagtaas ng kanyang timbang. Ito pa nga ang ginawang motibasyon ng celebrity mom, para magawa at mapagtagumpayan niya ang kanyang weight loss journey.
Samantala, kamakailan nga lamang ay ipinakita ni Mariel sa kanyang YouTube channel ang naging matagumpay niyang weight loss journey. Ngunit bago nga ito, ay ibinahagi niya muna kung ilang kilo ang inabot niya matapos niyang manganak sa kanyang ikalawang anak, dahil sa talagang napasarap ang kanyang pagkain sapagka’t siya’y nagpapa-breastfeed.
Ayon kay Mariel, lumubo talaga siya at umabot nga ng 197 pounds o 90 kilos ang kanyang timbang. Dagdag pa niya, nang matapos ang kanyang breastfeeding journey ay nagdesisyon siyang pagtuunan na ng pansin ang kanyang sarili at nagsimula na snga siya sa kanyang weight lose journey.
Matagumpay naman ang naging pagbabawas ni Mariel ng kanyang timbang, at ito nga ay ipinakita niya sa publiko kamakailan lamang, kung saan ay kita na ang naging pagliit ng kanyang katawan.
Kasabay ng pagpapakita niya ng mas lumiliit na niyang katawan ngayon, ay ang naging pagbabahagi rin niya kung paano niyang napagtagumpayan ang kanyang fitness goal, at ayon nga sa kanya at nagawa niya ito dahil sa tamang pag gabay ng mga dapat niyang kainin sa tulong ng isang nutritionist.
Ayon pa sa kanya, ay isa na siyang pescatarian ngayon, kung saan ay ang madalas niyang kinakain ay mga isda at gulay na ini-steam. Nakatulong rin umano sa pagbabawas niya ng timbang ang ginawa niyang pagbe-blend ng mga healthy juices na ang mga sangkap nga ay prutas at gulay.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento