Isa sa mga proud mommy ngayon sa anak niyang dalaga ay ang TV host-comedienne na si Ruby Rodriguez. Ito ay matapos ngang matagumpay na makapagtapos ng kanyang dalagang anak na si Toni Aquino sa kurso nito sa kolehiyo na kinuha nga nito sa Pamantasan ng UP Manila.
Makikita sa Insagram account ng Kapuso TV host-comedienne ang naging pagbabahagi nito ng isang mensahe para sa kanyang anak, na ang nilalaman nga ay talaga namang espesyal dahil sa binati niya ito sa naging matagumpay na pagtatapos nito kahit pa nga ba hanggang ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang krisis na kinakaharap ng ating bansa dahil sa krisis.
“It’s so official!!! Congratulations @ninichips Im so proud of you. Its Virtual Grad #newnormal Can’t wait to see you. Miss you so mch. I love you Babe”, ang naging pagbabahagi ni Ruby, kalakip pa nito ay ang graduation photo ng kanyang anak na si Toni.
Ang anak nga ni Ruby Rodriguez na si Toni Aquino ay nakapagtapos sa isang kilala at pretihiyusong paaralan sa ating bansa, ang UP Manila, kung saan ay kumuha ang naturang dalaga ng kursong BA Social Science.
Sa kabilang banda naman, ay nagbigay mensahe si Toni Aquino para sa kanyang sarili, kung gaano siya ka-proud na napagtagumpayan niyang matapos ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo sa kabila ng maraming naging pagsubok.
“I am surprised you even graduated – me to myself, but hey, I did it”, ani Toni.
Si Ruby Rodriguez ay kilala bilang isang mahusay na TV host at komedyante sa mundo ng showbiz, lalo na sa telebisyon.
Siya ay mahusay sa pagpapatawa, ngunit maliban pa dito ay hinahangaan din siya bilang isang magaling na TV host kung saan siya nga ay nabibilang bilang isang host sa longest-running noontime show na Eat Bulaga na mapapanood sa GMA-7.
Tunay nga naman na walang katumbas na saya ang nadarama ng isang magulang kapag ang kanyang anak ay nakita niyang matagumpay na nakapagtapos sa kanyang pag-aaral lalong-lalo na nga sa kolehiyo.
Para nga sa iba, napakahalaga ng edukasyon, dahil ito lamang ang tanging naipapamana ng maraming mga magulang sa kanilang mga anak, mayaman man o mahirap, dahil isa ito sa mga kayamanan sa mundo na kailanman ay hindi maaring maangkin ninoman.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento